Monday , January 25 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Gabby, excited mag-Pasko sa Pilipinas
Gabby, excited mag-Pasko sa Pilipinas

Gabby, excited mag-Pasko sa Pilipinas

DAHIL unang beses nilang magtatambal sa isang serye, excited na si Gabby Concepcion na makatrabaho si Sanya Lopez para sa upcoming Kapuso series na First Yaya.

Pagbabahagi ni Gabby, “Marami na akong narinig na maganda tungkol sa kanya. Malaki ang fanbase niya and gusto kong makarating sa kanyang fans. I’m really happy na makakasama ko ang idol ninyo. It’ll be a surprise. Hindi ko pa siya nakikila in person.

“Okay naman siya sa Zoom. Ang ganda naman ng energy na nakikita ko, so, I’m excited.” 

Malapit na ring magsimula ang lock-in taping para sa First Yaya na tatagal hanggang bago mag-Pasko.

Dagdag pa ni Gabby, ito ang unang pagkakataong magdiriwang siya ng Pasko sa Pilipinas.

Aniya, “First time ko lang mase-celebrate ang Christmas dito kasi every year umaalis kami. Pero ngayon first time naming ma-experience na rito lang sa bahay since 2008. Iba rin siya. Iba ring thrill siya kasi something new again.”

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

 

About Joe Barrameda

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top