Monday , January 25 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Alden, may bagong regalo sa fans; bagong single, inire-record na
Alden, may bagong regalo sa fans; bagong single, inire-record na

Alden, may bagong regalo sa fans; bagong single, inire-record na

THE gift that keeps on giving! Talaga namang walang tigil ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards sa paghahatid ng saya sa kanyang loyal fans. Isa na namang regalo ang kanyang inihahanda kasama ang GMA Music at FlipMusic Productions kasabay ng paggunita sa kanyang 10th anniversary sa showbiz.

Makikita sa social media pages ng GMA Music ang behind-the-scenes na pagre-record ni Alden ng pinakabago niyang single. Malapit na i-reveal ang magiging title nito kaya tumutok lang sa mga susunod na updates ni Alden at ng GMA Music!

Samantala, all set na rin ang Kapuso star sa kanyang upcoming anniversary concert na Alden’s Reality sa December 8! Ito ang kauna-unahang virtual reality concert na gaganapin sa bansa. Para sa mga hindi pa nakakuha ng tickets, bisitahin lang ang www.gmanetwork.com/synergy! Magmadali na dahil balita namin ay almost sold out na ang VIP tickets nito.

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

About Joe Barrameda

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top