Monday , January 25 2021
Breaking News
You are here: Home / Sports / GM Balinas Year Ender Online Chess lalarga sa Disyembre
GM Balinas Year Ender Online Chess lalarga sa Disyembre

GM Balinas Year Ender Online Chess lalarga sa Disyembre

MAGKATULONG   ang magkapatid na sina Dr. Joe Balinas at Engr. Antonio “Uncle Paps” Balinas sa pagpaplano  sa paglarga  ng Grandmaster (GM) and Attorney (Atty.) Rosendo Carreon Balinas Jr. Free Registration Year Ender Online Chess Tournament na susulong  sa Disyembre 26-27, 2020 sa lichess.org.

Nakataya ang  P75,000   bilang guaranteed cash prize sa dalawang    categories – kiddies for 13-Under plus ang Open division sa 2-day event na inorganisa ng Bayanihan Chess Club.

Ipagkakaloob ang  total na P25,000 sa kiddies 13-Under kung saan ang magkakampeon ay kakabig ng  P5,000 habang P50,000 ang nilatag sa Open section na maibubulsa naman ng magwawagi ang P8,000 plus PH Agila T-Shirt courtesy ni Mr. Fernan Donguines ng Hybreed Apparel Collections.

Nag-ambag  din sina Dr. Joe at Engr. Antonio ng P11,000 cash prize para sa 2-day event, 3-division ( Open, 13 and above at Kiddies for U-12) tournament.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top