Wednesday , January 20 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Direk Rommel Ramilo, tiniyak na lalabas ang artistry ni Myrtle sa Still Love Me concert
Direk Rommel Ramilo, tiniyak na lalabas ang artistry ni Myrtle sa Still Love Me concert

Direk Rommel Ramilo, tiniyak na lalabas ang artistry ni Myrtle sa Still Love Me concert

IPINAHAYAG ni Doc Rommel Ramilo, director ng Still Love Me virtual concert ni Myrtle Sarrosa na gaganapin sa November 28, 8pm, na lalabas ang artistry dito ng singer/actress.

“This concert is all about Myrtle’s artistry niya noon when she was with ABS CBN, artistry niya ngayon, and ano iyong tatahakin ng music niya. Because not known to many, si Myrtle ay isa ring composer, napaka prolific na composer, marami siyang compostion na hindi pa napa-publish. So in the next few months or years ay mas makikilala po natin si Myrle as an artist, as a singer-sonwriter.

“Magpo-focus din yung concert na ito sa kanyang pagiging Cosplayer, So, may segments po rito which will highlight yung pagiging magaling niyang Cosplayer, Tiktok player and more than that, towards the end of the concert., yung pagiging seyosong artist niya.”

Aniya pa, “So she will songs na ballad, pero adjusted to her style… and iyong genre niya, tiyak na mamahalin ng millennials… so we are confident and positive na this concert ay magkakaroon ng tatak-Myrtle.”

Paano niya ide-describe ang kanyang concert? Sagot ni Myrtle, “This concert is a mixture ng mga previous songs ko, like ng songs na kinanta ko back in 2012 and then yung mga favorite songs ko ngayon. So, I would describe it as a transformation from who I was and who I am now. So, tama yung sinabi ni Direk Rommel.

Ang Still Love Me concert ay under Borracho Film Production, special guest dito ni Myrtle ang Prince of Ballad na si Gerald Santos together with Outkasts, at The Jazz Wholes.

Ang sponsors nito ay Waterfront, LBC, Luxen, Miladay jewelry, Ideal vision, Emperador, Cong. Tonypet Albano, Xentro Mall, Sisters, Aficionado, Erase, Engbetin, San Miguel, at Morris Garages.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top