Tuesday , January 19 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Angelica bawing-bawi, panalo ang BF na isang Australian executive
Angelica bawing-bawi, panalo ang BF na isang Australian executive

Angelica bawing-bawi, panalo ang BF na isang Australian executive

SINASABI nga na kung malalaking dagok ang dumarating sa buhay mo, tiyak na pagbawi mo naman ay todo rin ang ligaya mo.

Baka nga sakaling ganyan ang mangyari kay Angelica Panganiban. Isipin ninyo iyong dagok sa buhay niya nang matapos ng ganoon na lang ang anim na taong relasyon nila ni Derek Ramsay. Tapos mas matinding dagok pa nang magkahiwalay silang muli ni Carlo Aquino matapos na sila ay magbalikan. Mabuti na nga lang, “strong woman” si Angelica, dahil kung hindi baka nagkaroon na ng depression iyan.

Pero ngayon naman ay mukhang babawi na siya at mukhang talagang happy na sa sinasabing bagong boyfriend niya ngayon. Isang Australian na executive ng isang “boat service company” sa Subic. Aba kung totoo ngang ang bago niyang boyfriend ay iyong si Gregg Homan, suwerte na iyan. Huwag na niyang pakawalan.

HATAWAN
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top