Monday , November 30 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Angeline Quinto at Erik Santos ‘di puwedeng lovers Just for friends lang
Angeline Quinto at Erik Santos ‘di puwedeng lovers Just for friends lang

Angeline Quinto at Erik Santos ‘di puwedeng lovers Just for friends lang

HARD SELL naman ang isyung gusto na raw pakasalan ni Erik Santos ang nangungulila sa kaniyang Mama Bob na si Angeline Quinto. Ang tulay raw ng pagbabalikan nina Angeline at Erik ay si Yeng Constantino.

In the first place since nagkakilala at naging close sina Erik at Angeline ay never nagkaroon ng relasyon ang dalawa. Kumbaga tinutukso lang sila ng kanilang circle of friends pero wala talaga silang ibang relasyon sa isa’t isa maliban sa pagiging magkaibigan.

Ang totoo ay concern lang talaga si Erik sa BFF na kapwa singer. Dinadamayan lang niya sa pagkamatay ng kanyang Mama Bob na ang urn ay nasa bahay na ni Angeline. Ganyan naman talaga sila sa ASAP, tunay na magkakabarkada sila at nagtuturingan na Kapamilya.

Samantala mukhang fake news ‘yung isyung ikinakalat ng mga pekeng vlogger na umano’y ipinanghingi ni Angeline sa kapwa celebrities ‘yung pambayad sa hospital bill ng kanyang Mama Bob na umabot raw sa P3 million. Kilalang masinop at magaling

humawak ng kanyang finances si Angeline kaya malabong siya’y mamalimos.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top