Friday , February 26 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kita sa negosyo ni David Licauco, ipinantulong sa mga binagyo
Kita sa negosyo ni David Licauco, ipinantulong sa mga binagyo

Kita sa negosyo ni David Licauco, ipinantulong sa mga binagyo

NAGPA-ABOT ng tulong ang Kapuso actor na si David Licauco sa mga residenteng higit na nasalanta ng hagupit ng Typhoon Ulysses. Gamit ang kanyang online business na As Nature Intended, nangako siyang ido-donate ang buong kinita nito mula Nobyembre 14 hanggang 15 para sa relief efforts.

Inanunsiyo ito ni David sa kanyang Instagram account at inenganyo rin ang mga netizen na tumulong sa kanilang sariling paraan.

“We pledge 100% of our profit this weekend to those affected by Typhoon Ulysses. Our brothers and sisters need our help now more than ever. We believe that a little help goes a long way.”

Samantala, nananatiling bukas ang ang GMA Kapuso Foundation sa mga nais magbigay ng tulong sa mga kababayan nating apektado ng mga nagdaang bagyo. Para sa mga donasyon, bisitahin lamang ang: https://www.gmanetwork.com/kapusofoundation/donate

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

About Joe Barrameda

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top