Tuesday , January 19 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / iWantTFC, inilunsad ng ABS-CBN para sa mga Pinoy sa buong mundo
iWantTFC, inilunsad ng ABS-CBN para sa mga Pinoy sa buong mundo

iWantTFC, inilunsad ng ABS-CBN para sa mga Pinoy sa buong mundo

MASAYANG balita na naman ang inihatid ng ABS-CBN sa mga tagasubaybay nila. Ito ay ang balitang puwede nang mapanood ng mga Filipino ang paborito nilang pelikula at Pinoy entertainment shows saan mang dako ng mundo sila naroroon.

Mas pinalaki pa kasi at pinagsanib ang streaming platforms ng ABS-CBN, ito ay ang iWantTFC. Bilang ang bagong tahanan ng kuwento ng mga Filipino, ito ang unang Pinoy streaming platform na available na ngayon para sa mga Filipino sa buong mundo.

Sa iWantTFC, unang mapapanood ng users sa loob at labas ng bansa ang bagong episodes ng mga Kapamilya teleseryeng FPJ’s Ang ProbinsyanoAng Sa Iyo Ay AkinWalang Hanggang Paalam, at  Bagong Umaga, 48 oras bago sila umere sa kahit anong platform o channel. Puwede rin nilang ma-enjoy ang tuloy-tuloy na panonood  ng walang ads.

Eksklusibo ring mapapanood sa iWantTFC ang bagong Kapamilya teleseryeng La Vida Lena ni Erich Gonzales. Nakasama rin sa paglulunsad ng first episode nito noong Sabado (Nobyembre 14) ang piling fans mula sa iba’t ibang bansa na nakakuwentuhan ang buong cast ng serye online.

Hindi lang ‘yan, exciting din ang taong ito dahil maglalabas pa ang iWantTFC ng mga bago at paparating na Originals gaya ng Bawal Lumabas nina Kim Chiu, Kyle Echarri, at Franchine DiazHoy Love You na itatampok ang pagbabalik-tambalan nina Roxanne Guinoo at Joross GamboaI Can Wait Forever nina Loisa Andalio at Ronnie AlonteHe’s Into Her nina Donny Pangilinan at Belle Mariano, at  Ampalaya Chronicles: Me & Mrs. Cruz, ang pinakabagong episode sa anthology series kasama sina Beauty Gonzalez and Kiko Estrada.

Bukod naman sa My Lockdown Romance at weekly episodes ng The House Arrest of Us, malapit na ring mapanood sa iWantTFC ang upcoming Star Cinema movies mula CineXpress na Boyette at Four Sisters Before the Wedding ngayong taon.

Samantala, libre namang mae-enjoy ng users sa Pilipinas ang pinakahuling episodes ng currently airing ABS-CBN shows sa loob ng pitong araw. Eksklusibo ring mapapanood sa Pilipinas ang Thai series na  Theory of Love at The Shipper ngayong taon.

Sa bagong iWantTFC, mayroon ding offline viewing ng mga piling pelikula at show sa app na pinapayagang mag-download ng palabas at panoorin ito kahit walang internet. Mas pinaganda rin ang panonood ng iWant TFC sa mas malaking screen dahil available na ito sa mga piling TV brands, pati na sa Roku at Telstra TV.

Para ma-enjoy ang mga ito, kailangan lang mag-download ng iWantTFC app sa Google Play o Apple App Store o pumunta sa iwanttfc.com at gumawa ng bagong account. Pwede ring ma-enjoy ng bagong users ang 30-day free trial sa app.

Para ma-access naman ang pinakamalaking koleksiyon ng mga bago at minahal na Filipino movies at shows, may tatlong subscription plans na mapagpipilian—free, standard, at premium.

Para sa mga gustong tuloy-tuloy ang panonood nang walang ads, pwedeng mag-subscribe sa premium plan na nagkakahalaga ng P119 kada buwan. Pwede rin nilang piliin ang standard plan para mapapanood ang lahat ng palabas at pelikula na may ads sa halagang P59 kada buwan.

Parehong mae-enjoy ng premium at standard subscribers ang higit sa 1,000 pelikula, full access sa live channels gaya ng Kapamilya Channel, TeleRadyo, ANC, CineMo, at Knowledge Channel, lahat ng bagong ABS-CBN shows, Kapamilya classics, newscasts, lifestyle shows, Asianovelas, lahat ng iWant TFC originals, at iba pang digital content.

Para naman sa iWantTFC users sa labas ng Pilipinas, magkaiba-iba ang presyo ng subscription plans depende sa bansa.

Puwede ring hindi magbayad gamit ang free plan, ngunit may ads at limitado ang ibibigay na access nito sa 300 pelikula, tatlong live channels, piling episodes ng shows, at full access sa sampung teleserye kada buwan.

Tuloy lang sa iWantTFC, ang tahanan ng mga kwentong Pilipino, at mag-download na ng app sa Google Play o App Store o mag-log in sa iwanttfc.com.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top