Tuesday , January 19 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Net 25, aariba sa paghahatid ng mga bagong show
Net 25, aariba sa paghahatid ng mga bagong show

Net 25, aariba sa paghahatid ng mga bagong show

MARAMING bagong show ang hatid ng Eagle Broadcasting Corporation, Net 25 mula sa mga maniningning na bituin sa showbiz. Mga show na tiyak aabangan at kalulugdan ng mga manonod katulad ng mga nauna nitong mga programa ng Moments ni Gladys ReyesUnlad Kaagapay sa Buhay ni Robin PadillaKesaya Saya nina Vina MoralesSherylene Castor, Diego Salvador, Robin at marami pang iba; at Himig ng Lahi nina Pilita Corrales at Darius Razon.

Ilan naman sa mga bagong programa ng Net 25 ang noontime show na  Happy Time nina Kitkat, Janno Gibbs, at Anjo YllanaDaigdig Ko’y Ikaw , kauna-unahang pagbibida sa teleserye ni Ynna Asistio kasama si Geoff Eigenmann na mapanood na sa Nov. 28, Saturday, 8:00 p.m..

Kasama rin sa Daigdig Ko’y Ikaw sina Elizabeth Oropesa, Tanya Gomez, Richard Quan, Shiela Marie Rodriguez, Arielle Roces, AJ Muhlach, Anna Mabasa-Muhlach, Manolo Silayan, Jiro Custodio, Paulyn Ann Poon, Myrna Villanueva Tinio, at Jellex David.

Ito ay mula sa direksiyon ni Eduardo Roy, Jr. na siya ring direktor ng mga pelikulang Lola Igna, Pamilya Ordinaryo atbp.mula sa panulat ni Bing Castro-Villanueva, at mula sa superbisyon ng direktor at writer na si Nestor Malgapo, Jr..

Abangan din ang docu drama program ni Victor Neri, ang P.A.R.A.K.

MATABIL
ni John Fontanilla

About John Fontanilla

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top