Wednesday , April 24 2024

Star music artist Kanishia Santos the next big thing in showbiz, pasok ang kanta sa Spotify Asia

Parang kailan lang noong ma-discover ng top executives ng Star Music si Kanishia Santos sa concert ng brother niyang si LA Santos.

Ngayon sa pamamagitan ng kanyang debut single na “A Little Taste of Danger” ay unti-unti nang gumagawa ng ingay sa showbiz ang Star Music artist. May kakaibang timbre ang boses at ikinokompara pa ngayon sa mga sikat na foreign singers na sina Taylor Swift at Jessie J.

Yes narito ang ilan sa komentong aming nabasa mula sa mga nakapanood ng big budgeted Music Video ni Kanishia para sa “A Little Taste of Danger.”

Mula kay Simpleng Lakwatsera: “Kala ko foreigner ung kumanta nito… galing may pagka-jessie j ung voice.”

Michaeng Noone: “Ang ganda niya_____ (smiley emoticon) ganda ng boses.”

At Aimee Austria: “Such a refreshing song ____ (hearty emoticon) kanishia you’re so gorgeous.”

Samantala pasok na rin sa listahan ng #freshfindsph sa Spotify and Spotify Asia ang napakagandang music video ni Kanishia na nasa lists rin ang kanta nina Kyla and Jam na Hold on (For Another Chapter).

Kaya very proud sa dalaga ang kanyang very, very supportive and loving Mom na si Madam Flor Santos also his brother LA.

Busy na si LA sa 7K Sounds na umpisa na ang search for original Christmas song contest sa December 4 & 10 at pipiliin ang winner sa Grand Finals on December 11. Matindi ang magaganap na judging dahil 7,000 Christmas songs ang pagpipilian.

Please send your entries now to [email protected]. Ang kilalang Kapamilya host na si Gretchen Ho ang host ng said event kasama si LA at Alco Guerrero (resident director of 7K Sounds).

Well puwede ngang matupad ang goal ni LA at Madam Flor na makagawa sila tulad ng classic Christmas songs na Christmas In Our Hearts in Jose Mari Chan, Pasko Na Sinta Ko ni Gary Valenciano at iba pang OPM na Pamasko.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Ruru Madrid

Ruru Madrid tuloy-tuloy ang dating ng blessings

COOL JOE!ni Joe Barrameda ISANG payat na binatilyo si Ruru Madrid nang pasukin ang mundo ng showbiz …

Blind Item, Men

Male starlet ‘sumisingaw’ na videos kasama ng mga customer na bading

ni Ed de Leon MAGANDA ang sideline ng isang male starlet. Tambay lang siya sa isang watering …

Kristine Hermosa Jericho Rosales

Kristine ‘di feel makatrabaho si Jericho

HATAWANni Ed de Leon BAKIT parang bantulot si Kristine Hermosa nang sabihin sa kanyang gusto siyang makasamang …

Kathryn Bernardo Daniel Padilla Kathniel

Daniel bumaba ang TF nang mahiwalay kay Kathryn

HATAWANni Ed de Leon NATATAWA kami noong isang araw sa isang blog, na nagsasabi kung …

Vilma Santos

Ate Vi karapat-dapat tanghaling National Artist

HATAWANni Ed de Leon HINDI naghahabol si VIlma Santos na matawag siyang National Artist. Katunayan,  sa tuwing sasabihin …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *