Wednesday , November 5 2025

Pacquiao kontra Lopez sa 2021

USAP-USAPAN  sa social media at mga boxing websites na target sumampa  sa 140 pounds ang bagong superstar  ng boksing na si lightweight champion Teofimo Lopez para  hamunin si boxing legend Manny Pacquiao sa susunod na taon.

Galing si Lopez sa impresibong panalo sa dating pound-for-pound king na si Vasyl Lomachenko via unanimous decision nung nakaraang buwan para mging unified champion sa timbang na 135.

Ayon sa alingasngas sa mga social media, puwede nang tumalon si Lopez sa mas mataas na timbang na welterweight ngayong nagniningning ang pangalan niya sa boksing.   Di maikakaila na ang welterweight  ang pinakamayamang dibisyon ngayon ng sport dahil naroon ang malalaking pangalan tulad nina Pacquiao, Terence Crawford, Errol Spence at iba pa.

Pero sa tatlong malalaking pangalan sa nasabing dibisyon ay si Pacquiao ang target ni Lopez para sa pinakamayamang laban.   At dagdag pa niya na kung mahihirapan siya na maabot ang welterweight, puwede naman silang magharap sa super lightweight/light welter para maikasa ang megafight.

Hindi sekreto na ang ideal weight ng Filipino Senator ay ang light at super lightweight  kaya eksaktong-eksakto ang dream fight sa panimula ng 2021.

Walang problema kay Pacman kung bababa ito sa mas mababang timbang kung nakahain ang mayamang laban kontra kay Lopez na taya ang ilang bakanteng world titles.

Tiyak na matutuwa ang boxing fans kung maikakasa ang labang Pacquiao vs. Lopez dahil ang huli ay isa nang ganap na superstar sa United States.  At kung matutuloy ay mapagtatakpan pa ng laban  ang pagkadismaya ng lahat sa pagkadiskarel ng unification bouts sa pagitan nina Crawford at  Spence Jr.

Kung hindi naman maikakasa ang labang Pacquiao-Lopez, ang option ng huli ay bigyan ng rematch si Lomachenko o kaya’y harapin sina Devin Haney, Gervonta Davis at Ryan Garcia na lahat ay naghahamon sa kanyang trono.

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

BingoPlus Miguel Tabuena

BingoPlus tees off a new era in Philippine golf
BingoPlus successfully concluded the International Series Philippines, pioneering a fresh wave of golf entertainment for sports development

Hometown hero wins the International Series Philippines presented by BingoPlus The country’s leading digital entertainment …

Catherine Cruz Batang Pinoy

Pang-4 na ginto, ikinuwintas ni Cruz sa Batang Pinoy 2025

GENERAL SANTOS CITY –Nakamit ni FJ Catherine Cruz ng City of Mabalacat ang pang-apat na …

ArenaPlus Miguel Tabuena

BingoPlus Brings the International Series to the Philippines, Highlighted by a Home Victory for Miguel Tabuena

Setting the Pace on the Fairways The Philippine golf scene came alive as the International …

Noah Arkfeld Surfing PSC

Arkfeld, sakay ng ‘alon ng mga pangarap’ patungo sa matagumpay na surfing career

GENERAL LUNA, SIARGAO — Habang karamihan sa mga bata ay nagsisimula pa lamang matutong magbisikleta, …

Franklin Catera Batang Pinoy Games

Batang Pinoy 2025
Catera nagtala ng bagong rekord sa high jump

GENERAL SANTOS CITY –  Umukit ng panibagong record si Franklin Catera ng Iloilo City nang …