Friday , April 19 2024

Khabib may mensahe sa mga kababayan  

GINAMIT ni FC lightweight Khabib Nurmagomedov ang social medial para ibahagi ang ‘positive message’ sa kanyang kababayan at fans  tungkol sa ‘road safety.’   Ang tinaguriang ‘The Eagle’  ay hindi maikakaila na isa nang ganap na superstar para sa mga  fans ng mixed martial arts.   Hindi rin maitatatwa na ang buong Russia ay nasa kanyang likuran.  At sa kasalukuyan ay naging popular na rin siya sa America at sa Middle East.

Si Nurmagomedov na may kartang 29-0 sa UFC ay ilang beses nadale ng ‘road accidents’ sa mga nakaraang buwan.   At ang kanyang maikling mensahe tungkol sa road safety habang nagmamaneho ay lubos na tinanggap ng kanyang fans at iba pang personalidad sa sirkulo ng MMA.   Pinaalalahanan ni Khabib ang lahat na meron silang nagmamahal na naghihintay sa kanilang tahanan at dapat lang na isaisip parati ang pagiging ligtas habang nagmamaneho.

Si Khabib na nagretiro lang kamakailan sa kompetisyon pero nananatiling may oras siya para makipagkonekta sa kanyang mga fans.

Ang tinaguriang “The Eagle” ay huling lumaban sa UFC 254 nung Oktubre 25, 2020 sa UFC Fight Island sa Abu Dhabi, United Arab Emirates laban kay interim lightweight champion Justin Gaethje.  Ipinakita niya rito ang kanyang pagiging dominanteng fighter nang pasukuin niya si Gaethje via Triangle Choke sa second round.

Pagkaraan ng panalong iyon kay Gaethje ay inanunsiyo niya ang pagreretiro.   Pero ilang linggo lang ang nakaraan ay nag-post ng mensahe sa Twitter ang kanyang manager na si Ali Abdelaziz para kumpirmahin na magbabalik si Khabib sa Octagon.

Inaasahan ng mga fans na sa pagbabalik ni Nurmagovedov ay maipoposte niya ang 30-0 laban sa itinuturing na GOAT (Greatest Of All Time) na si Georges St-Pierre. 

About hataw tabloid

Check Also

Philippine athletics TOPS PSC

Philippine athletics meet tatakbo na

Manila — Inilalagay ng Philippine Athletics Track and Field Association ang kanilang pinakamahuhusay na atleta …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

MILO 60th Anniversary

 MILO Philippines kicks off 60TH year celebration;  underpins commitment to grassroots sports development

15 April 2024 | Manila, Philippines – In a celebration event to mark its 60th …

Sambo PH team TOPS Paolo Tancontian Ace Larida

Sambo PH team potensiyal sa int’l arena

KUNG medalyang ginto ang nais ng sambayanan mula sa contact sports, ibilang ang Sambo sa …

Smart Asian Volleyball Confederation Nuvali

Asia’s beach volleyball squads maglalaban sa Smart AVC Beach Tour Nuvali Open

ELITE action returns sa world-class Nuvali Sand Courts sa City of Santa Rosa at ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *