Thursday , January 28 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Donnalyn, bumili ng mga bangkang pang-rescue
Donnalyn, bumili ng mga bangkang pang-rescue

Donnalyn, bumili ng mga bangkang pang-rescue

MAYROON pang isang kuwentong ikinabigla namin. Ang artista, blogger, at rapper na si Donnalyn Bartolome ay naghanap ng mga rescuer na marunong sumagwan at lumangoy, para makatulong sa rescue operations sa Marikina at sa Rizal, at handa siyang bayaran ang serbisyo ng mga iyon. Bukod doon, bumili siya ng mga bangka na magagamit sa rescue.

Mayroon namang mabubuti ring loob na nagsabing sila na ang gagawa ng rescue, gamit ang bangkang binili ni Donnalyn at hindi na sila kailangang bayaran. Magpapakita rin sila ng pictures na magpapatunay na ginamit nila ang mga bangka sa pagliligtas lamang ng mga tao at hayop, at hindi sa iba pang mga bagay.

Isipin ninyo iyon, samantalang ilang araw lamang ang nakaraan, ang nakita naming post ni Donnalyn ay naiiyak siya habang binubuksan ang isang kahon ng mga iniregalo niya at ipinasauli sa kanya ng dati niyang boyfriend.

HATAWAN
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top