Wednesday , January 27 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ang Sa Iyo Ay Akin, may book 2
Ang Sa Iyo Ay Akin, may book 2

Ang Sa Iyo Ay Akin, may book 2

DAHIL sa mainit na pagtanggap ng televiewers sa seryeng Ang Sa Yo ay Akin mula sa Dreamscape Entertainment na pinagbibidahan nina Maricel Soriano, Jodi Sta.Maria, Iza Calzado, at Sam Milby ay magkakaoon ito ng book 2.

Nagkaroon nga ng virtual presscon kamakailan para pag-usapan ang bagong kabanata ng nasabing serye na napapanood sa Kapamilya Channel mula Lunes hanggang Biyernes 8:40 p.m..

Ini-announce rito na mas marami pang pasabog na mapapanood sa ASYAA.

Sa book 1 ay may eksena si Maricel na sinampal niya sina Jodi at Iza. Tinanong siya sa presscon kung nake-carried away ba siya sa mga ganoong eksena?

Ang sagot ng Diamond Star, “Walang carried away. Kasi kung maki-carried away ako,wala na silang mukha.”

Na ang ibig niyang sabihin kung malakas ang sampal niya kina Jodi at Iza ay mas lalong lalakas kung maki-carried away siya.

MA at PA
ni Rommel Placente

 

About Rommel Placente

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top