Monday , May 10 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Marco Gumabao, aminadong minsan raw na-in love kay Julia Barretto!
Marco Gumabao, aminadong minsan raw na-in love kay Julia Barretto!

Marco Gumabao, aminadong minsan raw na-in love kay Julia Barretto!

DAHIL nasa Viva na si Julia Barretto, inamin ni Marco Gumabao na minsan raw siyang nagkagusto sa aktres.

Char! Hahahahahahaha!

Ayon sa 26-year-old hunk actor, nangyari raw ito may apat o limang taon na ang nakararaan. Teenager pa lang daw noon si Julia, at magkasama sila sa iisang grupo ng magkakaibigan.

“Dumaan naman ako sa phase na, ‘yun nga, I liked Julia,” Marco candidly admitted.

“Wala, bata pa talaga kami noon. Nineteen siya…eighteen. Ako, mga twenty-one lang yata ako noon.”

Nag-guest kasi si Marco sa bagong #DrunkAndSpill vlog series ni Julia, that was uploaded last Saturday evening, November 7, 2020.

Sa vlog, ibinunyag ni Julia na bilib raw siya sa lakas ng loob ni Marco na ipagtapat sa kanya ang nararamdaman.

Heartbroken raw kasi that time si Julia kay James Reid kaya hindi niya napagtuunan ng pansin ang feeling kuno ng binata.

Looking back, kasikatan noon ng love team nina James at Nadine Lustre kaya ang teleserye nilang On The Wings of Love ay namayagpag sa TV.

Anyhow, obvious na komportable sa isa’t isa sina Julia at Marco.

Sa katunayan, sa simula ay pabiro lang nilang pinag-usapan ang tungkol sa minsang pagkakagusto raw ni Marco kay Julia, na obvious namang ‘di pansin ni Julia noon dahil nakatutok siya kay James Reid who was obviously the hottest young actor that time, eclipsing even the popularity of Daniel Padilla.

“Before, siyempre, lagi kaming magkakasama, every week. Like three times a week, minimum ‘yun.

“Siyempre mahihirapan kang ‘di ma-attract sa kaibigan mo,” asseverated Marco.

On Julia’s part, sinabi niyang after that brief episode, hindi sila dumaan ni Marco sa “awkward” stage.

Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.

About Pete Ampoloquio Jr.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top