Thursday , May 13 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Da best sa lahat ng mga artista si Vilma Santos
Da best sa lahat ng mga artista si Vilma Santos

Da best sa lahat ng mga artista si Vilma Santos

In my almost four decades in the business, I have never seen anyone as good-natured and sweet as the star for all seasons Ms. Vilma Santos.

Kapag kaharap mo ang isang Vilma Santos, hindi ka makararamdam ng pagkailang.

Totally focused kasi ang kanyang attention sa iyo at napakalambing, hindi ka mate-tense o makararamdam ng pagkailang.

In stark contrast, ‘yung isang karibal niya sa industriya ay mabait din at maayos rin kausap pero wala sa kanya ang talas ng memorya ng isang Vilma Santos.

Kung makipag-usap kasi ang veteran actress sa press ay generic ang tawag niya sa halos lahat.

Lahat ay kuya at ate at never na on a first name basis tulad ng star for all seasons.

Kahit ang mga kabataang artista sa ngayon ay blanko ang tingin sa press at walang flash of recognition.

Kumbaga, they are just but doing a job, no more, no less!

No wonder, mahal na mahal siya ng pamangkin naming si Abe Paulite (SLN) dahil ramdam nito ang sincerity ng isang Vilma Santos Recto pag siya’y iyong kausap.

‘Yan lang ang keen observation ng isang fan na nag-a-agree naman kami dahil totoo naman ang kanyang pananaw.

Vilma Santos is indeed a rarity. Kapag minahal mo siya ay marunong din siyang magmahal nang buong puso.

Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.

About Pete Ampoloquio Jr.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top