Tuesday , June 22 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Robin Padilla, ‘pinatay’ sa social media

Robin Padilla, ‘pinatay’ sa social media

WINDANG ang araw kahapon ni Robin Padilla dahil sa pekeng balita sa social media na “namatay” na siya.

Ipinost ni Robin sa kanyang Instagram ang screen shot ng shout out ng netizen na gamit ang pangalang Rob Cuavas.

“Nakikiramay po kami sa pamilya ni Idl Robin Padilla, lalo na sa asawa niyang si Ms Mariel Rodriguez…Sana’y tatagan mo ang iyong loob sa dumating na pagsubok na ito, nawa’y gabayan ka ng diyos. ..Rest now in peace idol.

“We will miss you. Nasa wall kop o yung video dun niyo na panoorin. Sobra nakakalungkot nangyari sa kanya.”

Komento ni Mariel, “Lagi na lang noh babe? Lagi sila ganyan.”

Tugon naman ni Robin sa asawa, “Wala naman tayo magagawa @marieltpadilla. Nagreklamo na ako sa NBI cyber crime patungkol sa mga katulad ni krissy nagpunta pa ako doon kasama si atty jurado.

“2016 pa pero hanggang ngayon wala pa resulta. Ipagpa sa Dios na lang natin at patuloy ang tayo magbayad ng tax para may pang gastos nbi.”

Of course, buhay na buhay pa si Robin, huh!

Jun Nardo

About Hataw Tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top