Sunday , May 16 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Rita Daniela, may kaagaw na kay Ken Chan

Rita Daniela, may kaagaw na kay Ken Chan

MAY bagong aabangan ang fans ng tambalang Ken Chan at Rita Daniela na kilala bilang RitKen. Matapos kasi ang matagumpay na mga serye nilang My Special Tatay at One of the Baes, muling magsasama ang dalawa sa bagong Kapuso series na Ang Dalawang Ikaw.

Aminado ang Kapuso actor na challenging ang role niya sa upcoming series. Gagampanan kasi ni Ken ang karakter na may dissociative identity disorder – isang mental illness na nagkakaroon ng multiple personalities ang pasyente.

Aniya, “Dahil galing kami sa ‘My Special Tatay,’ ang pinag-uusapan pa rin dito ay ang mental illness. Mental health ang focus ng istorya, isa na namang very challenging na project ang ibinigay sa amin.

Gaganap naman si Rita bilang si Mia, ang asawa ng karakter ni Ken. Dahil sa split personality ng kanyang asawa, magkakaroon si Mia ng kaagaw sa mister na gagampanan ng Kapuso actress na si Anna Vicente.

“I’ve been wanting to portray a very mature and serious role. Mas na-e-excite ako for Ken kasi napakahusay ng ginawa niya kay Boyet,” saad ng aktres.

Makakasama rin nila sa drama sina Dominic Roco, Jake Vargas, Joana Marie Tan, at Jeremy Sabido.

Blessing para kina Ken at Rita ang magkatrabaho sa gitna ng pandemya. Bukod sa All-Out Sundays, The Clash Season 3, at pagkakaroon ng upcoming movie, inaabangan na ng kanilang fans ang nalalapit nilang muling pagtatambal sa Ang Dalawang Ikaw.

Joe Barrameda

About Hataw Tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top