Tuesday , January 19 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Rabiya, may payo sa mga iniwan ng kanilang ama

Rabiya, may payo sa mga iniwan ng kanilang ama

IBINUNYAG kamakailan ni Rabiya Mateo sa isang online conversation kay Tim Yap, ang society reporter at event organizer, ang pakiramdam n’ya na talagang ipinlano ng ama n’yang Indian na iabandona silang mag-iina noong nagpasya itong pumunta sa Amerika, limang taong gulang pa lamang siya. Noong panahong ‘yon ay may kapatid na rin siyang lalaki na mas bata sa kanya na ang binabanggit n’yang pangalan ay “Mokmok” lang.

Para kumuha ng medical board exam sa Amerika ang paalam ni
Syed Mohammed Abdullah Moqueet Hashmi, ang ama ng Miss Universe Philippines 2020, sa ina ni Rabiya.

Kahit na sa pakikipag-usap n’yang ‘yon kay Tim una n’yang nabanggit ang kongklusyon n’yang plano talaga ng diyaskeng ama n’ya na abandonahin sila, pareho pa rin ang dialog n’ya sa una n’yang pagtatapat sa media na iniwan sila ng banyagang ama. Wala siyang galit sa kanyang ama. At ang mismong ina n’yang Ilongga ang nagsanay sa kanya na huwag mamuhi sa kanyang ama.

At kapani-paniwala naman na ‘di siya galit sa tatay n’ya. Ang payo pa nga n’ya sa lahat ng mga anak na iniwan ng kanilang ama (published as is) ay: “If there will be one advice that I would like to give, never try to plant any hatred or anger over your biological dad.

“Because it’s gonna ruin you. It’s gonna ruin your perspective in life always.

“Try to understand the situation even though it hurts you the most.

“Even though you think there is no acceptable reason to have that kind of situation.

“Always try to see things differently and always choose to be kind.”

Sa totoo lang, umaasa si Rabiya na darating ang araw na magkukrus muli ang landas nila at magiging proud ang ama sa kanya.

Kung laging magiging ganyan kapositibo at mapagpatawad si Rabiya, matindi ang paniniwala namin na mas marami pang magagandang developments na darating sa buhay n’ya.

Kasi nga ay hindi kargado ang kamalayan n’ya ng mga sama ng loob. May turong ispiritwal na kapag bukas na bukas ang puso at isip ng tao sa kabutihan, napakamaunawain at mapagpatawad, pupunuin ng Diyos ng biyaya ang bukas na bukas n’yang kamalayan.

Pero paano nga ba na-conclude ni Rabiya na pinlano ng ama n’ya na abadonahin sila?

Kuwento n’ya kay Tim: “I think it was his plan to abandon us, ‘cause what happened was when he went back to the U.S., his two brothers were still here studying.

“And then all of a sudden, all of the connections were cut. And my mother went to the school to talk to his two brothers, but unfortunately they [had] also left for the U.S.”

Ang isang ebidensya na ‘di siya muhi sa kanyang ama ay ang post n’ya noong Father’s Day nitong Hunyo. Ipinost ni Rabiya sa Instagram n’ya ang ilang naitabing larawan ng kanyang ama. Makikita rito ang sanggol na si Rabiya na karga-karga ng ama.

Sa mahabang caption, binati niya ng Happy Father’s Day ang kanyang ama.

Nabanggit din ni Rabiya na naging independent woman siya, “because of the situation that happened in the past but I never blamed you for it.”

Pangako niya, “I will continue to be a breadwinner to our family, a good daughter to Mama, and a good role model to Mokmok.

“I will push myself to a new and greater limit every single day so that when the time comes and we meet again, you will tell everyone how proud you are that I’m your daughter and who knows, when that day comes I might be a doctor like you.

“I pray that wherever you are, you’re surrounded by people who love you and take good care of you.

“I hope you still think about me because I always think about you. Happy Father’s Day and I miss you so much.”

May tumutulong na ba kay Rabiya para mahanap ang kanyang ama?

Tugon n’ya: “Actually, I was messaged by an Indian community. They are trying to ask for the name of my dad.

“But as of the moment, I still have no contact or any trace, where is he right now.

“But the last time I heard, he’s in Chicago and he’s practicing as a doctor.”

Siguro naman kung magwagi si Rabiya na Miss Universe, o kahit na runner-up lang, papansinin na siya ng magaling n’yang ama.

Danny Vibas

About Hataw Tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top