Tuesday , January 19 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Mila del Sol, pumanaw na sa edad 97

Mila del Sol, pumanaw na sa edad 97

ISINUSULAT namin ang column na ito nang mabalitaan naming ilang oras lamang ang nakalilipas, sumakabilang buhay ang aktres na si Mila del Sol, ang itinuturing na reyna ng pelikula noong kanyang panahon. Si Aling Mila, na ang tunay na pangalan ay Clarita Villarba Rivera ay 97 years old na nang pumanaw. Siya ang nanay ng kilalang TV host na si Jeanne Young.

Sumikat si Aling Mila matapos lamang ang kanyang unang pelikula, iyong Giliw Ko, na siya ring kauna-unahang pelikulang ginawa ng LVN Pictures at ipinalabas noong 1939. Ang director ng pelikula ay si Carlos Vander Tolosa, at ang leading man ay si Fernando Poe Sr..

Nang tumigil sa pagiging isang artista, nagsimulang magnegosyo si Aling Mila, at hanggang ngayon ay siyang may-ari ng pinakamalaking janitorial and maintenance service company sa ating bansa.

Matagal na siyang tumigil sa pelikula, subali’t kinikilala pa ring isang napakahusay na artista.

Ed de Leon

About Hataw Tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top