Sunday , May 9 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sofia Andres, ngayong may anak na — Nagbago ng 2.0 ang pagkatao ko, naging pasensiyoso, nag-mature
Sofia Andres, ngayong may anak na — Nagbago ng 2.0 ang pagkatao ko, naging pasensiyoso, nag-mature

Sofia Andres, ngayong may anak na — Nagbago ng 2.0 ang pagkatao ko, naging pasensiyoso, nag-mature

HINDI itinanggi ni Sofia Andres na kinailangan niyang magpaalam muna sa kanyang boyfriend at ama ng kanyang anak na si Daniel Miranda nang alukin siya para sa isang role sa La Vida Lena ng Dreamscape Entertainment na mapapanood na sa November 14, Saturday sa iWant TFC at pagbibidahan ni Erich Gonzales.

Maganda ang role ni Sofia sa La Vida Lena, kaya naman ganoon na lamang ang pasasalamat niya sa Dreamscape at kinuha siya para gampanan ang isang napakahalagang karakter, ang kontrabida sa karakter ni Erich.

“Bale childhood bf ko rito si Kit (Thompson). Siya ‘yung magiging dahilan ng away namin ni Erich,” maikling kuwento niya ukol sa gagampanan niyang role sa naturang teleserye.

Nang tanungin naman si Sofia kung tuloy-tuloy na muli ang paggawa niya ng teleserye, sinabi niyang, “Kapag ganyan kasi, I need to talk to my boyfriend first. Itong ‘La Vida Lena’ na mention ko rin naman sa kanya. Kung ano stories all that. Okey din naman sa kanya, as long as walang conflict. Kasi mas okey mag-work kapag lahat okey, ganyan,” aniya sa virtual media conference noong Sabado.

Ukol naman sa kung may limitation na ba siya ngayong may anak na, sagot ng aktres, “actually safe na safe ako ngayong lock-in kasi hindi pwede ang mga sinasabing kissing scene ganyan. Although ‘yung boyfriend ko naman hindi siya ganoon ka-strict, naiintindihan naman niya.

“For me, ako never pa naman ako naka-experience ng mga lovescene, wala pa. Nandyan naman ang mga director natin para to guide me. Kinakabahan ako sa, mga ganoong scenes and all that,” pagtatapat ni Sofia na mag-iisang taon na pala ang kanilang anak sa November 24.

Naikuwento ni Sofia na masaya siya sa pagiging bagong ina. At inaming malaki ang nagbago sa kanyang buhay simula nang magkaroon ng anak.

“Sobrang sarap sa feeling (pagiging ina). Kumbaga basta kilala mo sarili mo as a mom, as a person, nagbabago talaga eh. siguro alam din talaga ito ni Kuya Carlo (Aquino), parang nag-iibang version (ng sarili). Parang nagbago ng 2.0 ang pagkatao mo. Nagiging pasensiyoso, understanding, nag-mature.”

Puring-puri naman niya ang boyfriend na si Daniel. “I am lucky, to be honest na kineep niya ‘yung responsibility. Hindi niya kami iniwan. In- accept niya kami. Mahal niya kaming dalawa (ng anak niya) and mas mahal niya ‘yung anak naming which is I’m very proud of it.” 

At dahil naka-lock-in sila ng isang buwan habang nagte-taping ng La Vida Lena, sinusulit ni Sofia ngayon ang bawat araw na kasama ang kanyang anak. “Talagang bawat minuto gusto ko kasama ko ang daughter ko. Gusto ko wala akong mini-miss na moment kasi ang hirap kapag lock-in medyo nakaka-depress pero kailangan. Ay hindi pala depress, nakaka-miss ‘yung family, pero kailangan.”

Naikuwento pa ni Sofia ang bonding moment nilang mag-ina. “Sa umaga nagigising na ‘yan ng 7:00 a.m. then breakfast together, maliligo. Then pagdating ng 12 noon tulog na naman, siesta time niya ‘yan. Then ‘pag nagising maglalaro lang.

“Actually ang likot-likot na niya. Naghahabulan kami rito sa loob ng bahay, gumagapang na rin ako ha ha ha.

“It’s fun kahit sa pagtulog, sabi nila parang buo na ang araw mo. Ang bilis nga kasi mag- one year old na ang anak ko this month. Kaya I cherish every minute kasi parang hangin, ang bilis nilang lumaki,” masayang kuwento pa ni Sofia na asahan na ang pagsasalpukan nila ni Erich sa La Vida Lena.

Bukod kina Erich at Kit, kasama rin sa La Vida Lena sina Carlo Aquino at JC De Vera at mula sa direksiyon nina Jojo Saguin at Jerry Lopez Sineneng.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top