Thursday , April 25 2024
Kris Aquino Cristy Fermin

Kris, pumalag kay Cristy — nagsalita ba ko laban sa kanya…Binastos ko ba ang pagkatao n’ya?

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

NEVER allow a person to tell you NO who doesn’t have the power to say YES at A Person who feels appreciated will always do more than what is expected. ” Ito ang post ni Kris Aquino sa kanyang Instagram nitong Sabado ng gabi kasabay ng video na nag-recording siya ng voice over ng online app na Shopee.

Ang caption ni Kris sa video post, ”my week that was. I was able to edit because I was told by my doctors for me to recover from my laryngitis I need total vocal rest unless Christmas gift para sa inyo ang nangyari, because heaven felt you’ve been through enough stress this 2020, a Christmas jingle with me attempting to “sing” is just too much? Whatever basta #lovelovelove.”

At dahil sa pagkakasakit ni Kris ay hindi natuloy ang pre-shoot recording niya para sa isang product endorsement.

Aniya, ”November 3 we all had PCR testing because I was supposed to do a TVC shoot Nov 5. Testing was done in the morning.”

Bukod dito, nawalan pa ng boses si Kris kasabay na rin ng nerbiyos dahil nag-positibo sa Covid19 ang isa sa driver niya.

Anyway, sa kabila ng maraming pinagkaka-abalahan ang Queen of Social Media ay aware siya sa mga nasulat sa kanya na sumama ang loob ng beterenang kolumnista at radio host na si ‘Nay Cristy Fermin dahil sa pagtanggi nito kay  Mr. Fu na makasama sa online show nilang apat kasama si  anay Lolit Solis na dapat sana ay umere kahapon, Linggo Nobyem­bre 8 pro­duced ng Puregold.

Walang planong sumagot si Kris tungkol dito, pero nang makita niya ang larawan nila ni ‘Nay Cristy na ipinost ng kaibigang editor na si Dindo Balares sa kanyang IG account ay dito naglabas ng saloobin ang mama nina Joshua  at Bimby.

Ang caption ni Dindo sa larawan nilang magkakasama nina Kris at ‘nay Cristy.

“May mga nagpapadala sa akin ng links sa items ng hidwaan nina Nanay Cristy at Kris. May ilang media friends din na nag­tata­nong kung ano ang nang­yayari.

“Ga­n­ito po ang sitwa­syon ko. Ima­gine, may ermitan­yong nag-aayos ng kanyang taniman ng buyo na winasak ng bagyo. May dumating, nagbalita na may hindi pagka­kaunawaan ang anak ko at ang nanay ko.

“Maka­ka­pamili ba ako ng kakam­pihan?

“Alam pareho nina Kris at ‘Nay Cristy, at maging ng lahat na malalapit sa akin, hindi ako palagatong sa away, na peacemaker ako. Nakapag-alaga na ba kayo ng dove o kalapati? Kusang umaalis ang mga kalapati ‘pag panay ang away ng pamilya ng nag-aalaga.

“Ganyan ako. Kaya nga ako bumalik sa pagtatanim.

“Pareho kong mahal ang Nanay at ang anak ko, na parehong strong personality. Parehong sikat. Ako’y retired na, isang hamak na magsasaka na lamang.

“Pero kung mahal talaga nila ako, tulad din ng pagmamahal ko sa kanila, at gusto nilang magkaayos o magkasundo, alam nilang isang tawag lang ako.”

Ang sagot ni Kris, ”Dito ako papalag Kuya Dindo nagsalita ba ko laban sa “nanay”mo? Hinarangan ko ba ang grupo nila? Binastos ko ba ang pagkatao n’ya?

“Sa daming beses na pinagsalitaan n’ya ko ng lahat ng pinaka masasakit na below the belt na panlalait mula ulo hanggang talampakan- ni minsan ba pumatol ako? Ang alam ko sa away o laban, parang boxing, parehong dapat pumasok sa boxing ring- eh para um-effort nga na pumunta sa Elorde gym nga wala talaga akong balak mag commute, mag Grab, o mag pa drive I saved all the messages @akosilolitsolis & I exchanged starting from October 28.

“Mag labas sila ng kahit sino mula sa side ng Pure Gold na pwedeng mag patunay sa mga pinaratang sa kin dahil ang client na producer ang pwedeng magbigay linaw sa lahat.

“There are battles worth fighting & there are stories worth correcting, sa dami ng problema ng mga tao at sa mga responsibilidad ko sa buhay, hindi ito ang uunahin kong asikasuhin. Mas maka-tao at may katuturan kung tumulong ako sa mga Bicolano dahil sila ang talagang mabigat ang dinadala hindi ako nagbibitiw ng salita lalo na sa pagtulong sa abot ng aking makakaya kung hindi ko ‘to gagawin I understand you, a person can potentially have many children, but you will only have 1 mother.

“No hard feelings, ‘yung naging “anak” mo nagbago na talaga pero hindi ibig sabihin nu’n mapapalitan ang dugong nanggaling kay Ninoy & Cory marunong pa ring manindigan pag sigurado na katotohanan ang pinanghahawakan, hindi lang nga nararamdaman na kailangan pang pagsigawan ngayon alam ko na- I do not have to attend every fight I’m invited to. I cannot control what people will say about me or do to me, BUT I can control my reaction & subsequent actions.”

 

About Reggee Bonoan

Check Also

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Kim Chiu Short Hair

Short hair ni Kim bumagay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BRAVE, daring, bold, sexy and alluring, ang ilan lamang sa mga …

Atty Oliver Moeller Michelle Dee Kim Chiu

Kim at Michelle ‘nagamit’ daw ng abogadong ka-look-alike ni Piolo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KUNG totoong nag-back-out or more appropriate to say na nag-beg off …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *