Sunday , May 16 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / G, mahina rin ang ulo kahit hindi kalbo
G, mahina rin ang ulo kahit hindi kalbo

G, mahina rin ang ulo kahit hindi kalbo

MUKHANG nabalikan nang husto si G Toengi dahil sa kanyang post sa social media. Kahit na si Arnell Ignacio lamang ang kanyang target nang sabihin niyang, “ang kaalaman ko ang may mahinang ulo ay iyong hindi tumutubong buhok na katulad mo, Kaya naka-plug ins ka.”

Hindi siya pinatulan ni Arnell, pero hindi siya nakaligtas sa ibang kalbo, dahil sa sinabi niya para bang lahat ng hindi na tinutubuan ng buhok ay mahina ang ulo.

Ano kaya ang depensa niya kung umalma si Kris Aquino dahil ang kapatid niyang si dating presidente PNoy ay wala na ring buhok? Paano niya haharapin ang kakampi rin niyang si Agot Isidro na ang boyfriend na si Pilo Hilbay ay kalbo rin? Aba maraming kalbo sa Pilipinas, na hindi naman mahihina ang ulo.

Hindi na nag-isip si G. Mahina rin ang ulo kahit hindi siya kalbo.

HATAWAN
ni Ed de Leon  

About Ed de Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top