Monday , November 30 2020
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Easytrip Online RFID Reservation Appointment System (ORRAS) ilalabas na (Iwas mahabang pila)
Easytrip Online RFID Reservation Appointment System (ORRAS) ilalabas na (Iwas mahabang pila)

Easytrip Online RFID Reservation Appointment System (ORRAS) ilalabas na (Iwas mahabang pila)

ILULUNSAD ang Easytrip Online RFID Reservation Appointment System (ORRAS) para maiwasang maabala ang mga motorista dahil sa mahabang pila sa pagpapa-install ng RFID sticker.

Sa pamamagitan ng ORRAS, ang mga motorista na gumagamit ng expressway ay maaari nang mag-book online para sa advance RFID installation appointment.

Kailangan lamang i-scan ng kustomer ang QR code para magpa-book ng appointment date at kung saan ang available installation sites para magparehistro.

Kapag makatanggap ng email na QR Code confirmation para sa exact location, petsa at time slot,  kailangang ipakita ang maaaring gamitin sa pag-scan ang app scanner ng Android at IOS stores.

Inisyal na binuksan ng Easytrip Corporation para sa ‘online appointment only locations’  sa Parañaque City, Las Piñas City, Pasay City, Taguig City, Bacoor City, Biñan City, Sta. Rosa City, at  Valenzuela City, partikular sa Cavitex Parañaque Plaza Northbound;  Cavitex Parañaque Plaza Southbound;  C5 South Link Westbound;  CALAX Greenfield (Mamplasan);  Shell Pamplona, Alabang-Zapote Rd., Las Piñas City; at  Shell Panapaan, Bacoor, Cavite (harapan ng Puregold Bacoor); Shell Real 2, Aguinaldo Highway, Imus, Cavite (malapit sa  Maynilad – Welcome patungong  Imus Arch); at  NLEX Drive and Dine, Canumay West, Valenzuela City.

Madaragdagan ang online appointment – only locations, batay sa Metro Tollways Pacific Corporation.

Puwede rin mapili ng motorista ang petsa at oras ng kaniyang pagpapa-install para sa kaniyang convenient, gaya halimbawa kung siya ay may pupuntahan sa lugar saka niya na isasabay sa petsa at kung saan ang location na pipiliin niya.

(JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top