Friday , April 19 2024

Marian, iginiit na hindi pa masusundan si Sixto

TATLONG taon na pala ang Tadhana na ang host ay si Marian Rivera. Kahit may pandemya, nakukuha pa ni Marian mag-taping or mag-shoot ng mga spiel niya.

 

Sa bahay nila ito ginagawa pero strict din sila sa protocols para maging safe ang pamilya niya. Kahit naman saan gawin ang shoot ay may mga protocol din.

 

Malaking bagay kay Marian ang lockdown dahil sa Covid pandemic ay lalo silang nabigyan ng pagkakataon maging close ng pamilya. Binibiro nga si Marian ng mga kasamahan sa panulat na baka may nabuo na namang supling na mariing idinenay ni Marian since bata pa ang bunso niya.

 

Natanong si Marian kung papayagan niya mag-artista ang mga anak lalo na si Zia na aware ang pagiging artista ng mga magulang. Okey naman sa kanila basta gaya niya ay tapusin muna ang pag-aaral. Mas sa singing  ang hilig ni Zia na kaya madalas mag-jamming ang mag-ama.

 

Nakakasunod ito sa kanta ng ama.

 

Kaya sa mga darating na mga episode ng Tahana, mas lalo nilang pinaganda at may mga natutulungan din silang mga OFW.

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

About Joe Barrameda

Check Also

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *