Tuesday , May 18 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Julie Anne, nakakuha ng 2 nominasyon sa Wish Music Awards

Julie Anne, nakakuha ng 2 nominasyon sa Wish Music Awards

BONGGA talaga ang Asia’s Pop Diva na si Julie Anne San Jose. Nominado si Julie sa mga kategoryang Wishclusive Contemporary R&B Performance of the Year at Wish R&B Song of the Year sa 6th Wish Music Awards.

Bukod dito, isa pang magandang balita ang ibinahagi ng Universal Records sa kanilang Twitter account dahil mayroon nang mahigit 120 million streams ang mga kanta ng award-winning artist sa Spotify.

Kahanga-hanga rin ang performance ni Julie Anne sa music video ng local cover ng Rocket To The Moon, ang theme song ng 2020 animated film na Over The Moon. Sa ngayon, mayroon na itong mahigit 246k views sa official Facebook page ng Netflix Philippines.

Congratulations, Julie Anne!

Rommel Gonzales

About Hataw Tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top