Wednesday , May 19 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Joao Constancia, mahal pa rin si Sue kahit may iba nang BF

Joao Constancia, mahal pa rin si Sue kahit may iba nang BF

HALOS isang taon na ring hiwalay sina Joao Constancia at Sue Ramirez pero nananatiling mahal pa rin ng binata ang aktres.

Ito ang inamin ni Joao sa nakaraang virtual mediacon para sa BL o Boy’s Love movie nila ni Jameson Blake na My Lockdown Romance mula sa Star Cinema na idinirehe ni Bobby Bonifacio, Jr.

Naging mabait naman ang media kay Joao at hindi na siya tinanong pa na kaya sila naghiwalay ni Sue ay dahil kay Javi Benitez na boyfriend ngayon ng dalaga.

Ang mensahe ng binata sa rating karelasyon, “I hope you’re doing fine and I hope you’re happy. Yun lang. Stay safe also.”

Napahanga kami ni Joao dahil kahit halatang may pain sa parte niya ay nakangiti pa rin siya sa pagbati kay Sue, real gentleman talaga siya at ito rin ang nakita namin sa kanya noong ilang beses namin silang nakikita ng aktres na nagmo-malling dahil bitbit ng binata ang mga gamit ng dalaga.

Anyway, sa kasagsagan ng lockdown dahil sa Covid-19 ay nagkuwento si Joao na mag-isa siya sa condo unit niya dahil mag-isa lang siyang nandito sa Pilipinas. Nasa Macau ang pamilya niya kaya nagkaroon siya ng panahong muling makausap ang mga kaibigan.

“To be honest, during lockdown I reconnected with some friends. I guess I’ve talked to a certain girl and we became close but I guess it just stayed there lang talaga.

“Hanggang doon lang naman talaga I guess. We just became close friends lang talaga. Ayos naman ‘yung lockdown ko. I’ve been connecting with my family and friends recently because I live here by myself in the Philippines.

“So, I’ve been connecting with them and reconnecting with some old friends also, checking up on them and just been busy for quite some time with a couple of new projects. Maayos naman,” kuwento nito.

Samantala, gagampanan ni Joao ang karakter na Kendrick at muli silang magkakaroon ng koneksiyon ng college friend niyang si Jameson bilang si Tom.

“I’m thankful that I got this role and I got to be part of this beautiful film, this coming-of-age film. And I’m thankful that it made me realize that love is love talaga and I can’t wait for everyone to watch this and to relate and get kilig and everything.

“I was offered to do the auditions for this movie and when I was offered, I asked my management ko muna if it was okay kasi I wanted to do it and also I told my family about it back home.

“I guess they were excited for it talaga kasi this is a new film where I’m starring in it and they were super happy and excited talaga for me,” pahayang ng aktor.

Ano ang pagkakaiba ng My Lockdown Romance sa ibang BL films? “It’s light, fun, and filled with feelings talaga. And at the same time, it’s super relatable to all of us because the movie’s story setting is within what’s happening with all of us right now.

“I have read some tweets and comments about our fans reacting to our movie and I’m really happy dahil excited sila para sa akin and para sa amin because this is a new coming of age movie and I can’t wait for them to see the story that we can share to them.”

Mapapanood ang My Lockdown Romance worldwide simula sa Nobyembre 13 sa halagang P150 sa Cinexpress channels tulad ng KTX.ph (ktx.ph), iWant TFC (tfc.tv), Channel 190 at Channel 290 for HD on Cignal PPV (my.cignal.tv), channel 158 at channel 258 for HD on Sky Cable PPV (mysky.com.ph).

Reggee Bonoan

About Hataw Tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top