Friday , May 7 2021
Breaking News
You are here: Home / News / Kolehiyala natagpuang patay sa loob ng bahay (Sa Olongapo)
Kolehiyala natagpuang patay sa loob ng bahay (Sa Olongapo)

Kolehiyala natagpuang patay sa loob ng bahay (Sa Olongapo)

NATAGPUANG may mga saksak sa katawan at wala nang buhay ang isang 20-anyos babae sa loob ng sariling bahay nitong Lunes ng umaga, 2 Nobyembre, sa lungsod ng Olongapo, lalawigan ng Zambales.

 

Kinilala ang biktimang si Jennifer Dela Cruz, residente sa Barangay New Cabalan, may tatlong saksak ng kutsilyo sa kaniyang leeg.

 

Ayon sa pulisya, mayroon na silang ‘person of interest’ at nagsasagawa na ng manhunt operation upang matukoy ang kinaroroonan ng suspek.

 

Sinabi ng mga kapitbahay na ang biktima ay nasa ikatlong taon sa kolehiyo at mag-isang nakatira sa kaniyang bahay.

 

Natagpuan ang wala nang buhay na katawan ni Dela Cruz ng kaniyang ina dakong 11:00 am kamakalawa.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top