Tuesday , May 11 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Congw. Vilma Santos, nakiramay rin sa kaibigan naming si Abe Paulite
Congw. Vilma Santos, nakiramay rin sa kaibigan naming si Abe Paulite

Congw. Vilma Santos, nakiramay rin sa kaibigan naming si Abe Paulite

Birthday ng actress politician na si Vilma Santos kahapon at ini-celebrate niya ito with her family at nagbigay ng mensahe si Congw. Ate Vi sa pamamagitan ng video sa lahat ng kanyang Vilmanians.

Aniya, mag-ingat dahil buhay pa rin daw ang coronavirus sa ating paligid. Yes ganyan magmahal at magmalasakit si Ate Vi sa kanyang fans and supporters, kaya naman love na love siya ng mga tagahanga.

Darling of the Press din si Ate Vi sa maraming entertainment media at maging ang kaibigan naming matalik at co-host sa Chika Mo, Vlog Kabog na si Abe Cana Paulite na namayapa at nailibing na last week ay dinamayan ng Star for All Seasons.

Yes sa pamamagitan ng text messages ay nagpahatid ng kanyang pakikiramay si Ate Vi sa naiwang pamilya ni Abe at nag-abot pa siya ng tulong para pandagdag bayad sa funeral service nito.

Hindi sobrang close, sa kanya si Abe at nagkikita

lamang sila occasionally tuwing nag-iimbita siya na kasama kami ng Bff kong si Pete Ampoloquio,

Jr., pero hindi pinagkaitan ni Ate Vi ng tulong at pagmamahal ang kaibigan namin na kapiling

na ni Lord ngayon.

To Ate Vi, maligayang kaarawan and God bless you even more, sa iyong kindness.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top