Friday , May 14 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Allen Ansay, ‘di pa mahagilap ang pamilyang apektado ni Rolly sa CamSur
Allen Ansay, ‘di pa mahagilap ang pamilyang apektado ni Rolly sa CamSur

Allen Ansay, ‘di pa mahagilap ang pamilyang apektado ni Rolly sa CamSur

APEKTADO ng bagyong Rolly ang pamilya ng Kapuso actor na si Allen Ansay na nakatira sa Sagnay, Camarines Sur.

 

Hindi pa nakokontak ni Allen ang pamilya sa pahayag niya sa GMA’s 24 Oras nitong Lunes.

 

“Grabe talaga ‘yung lakas ng bagyo kasi last tawag sa akin ni Mama, noong Sabado bago pumasok ‘yung bagyong Rolly,” bahagi ng pahayag ni Allen.

 

Nang tumawag ang ina, sobrang lakas na raw ang hangin at paputol-putol ang linya hanggang sa ‘di na niya ma-contact ang ina.

Kasama ng kanyang ina ang dalawang kapatid, at taga-roon din ang mga lola at kamag-anak ni Allen.

I-FLEX
ni Jun Nardo

 

About Jun Nardo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top