Tuesday , November 4 2025
Isumbong mo kay DRAGON LADY ni Amor Virata

PNP lifestyle check, maraming mabubuking!  

NAKATAKDANG isailalim sa lifestyle check ang lahat ng miyembro ng Philippine National Police (PNP).

Akala n’yo lusot na kayo ha!

Bakit ‘di unahin ang mga heneral o may matataas na posisyon? Partikular ‘yung mga hepe ng mga riding team.

Mas malakas kumita ang mga hepe ng isang departamento ng pulisya at mga hepe ng intelligence init bukod sa mga anti-vice. Kadalasan may tinatanggap

na intelihensiya ang mga binanggit ko mula sa kung saan-saan bukod pa sa mga sako ng bigas at lingguhang tara.

Ngayon lang medyo tumigil dahil sa pandemya na lahat ay dumaranas ng krisis at walang ilegal na pasugalan, walang mga bukas na nightclub na nagpapalabas ng bold show. Kaya ngayong pandemya, bukod sa gutom ang mga chief of police, siyempre gutom din ang regional directors.

Alam ‘yan ni Senator Ping Lacson at Senator Bato dela Rosa! Kung regional directors busog sa ‘tara,’ PNP chief matik ‘yan! Isama pa natin ang jueteng! Bago mag-pandemic, buhay na buhay sa POGO!

Kaya ‘yung lifestyle check na gagawin sa PNP, baka maging ‘drawing’ lang!

 

PANAWAGAN KAY MAYOR EMI CALIXTO-RUBIANO

Kasalukuyan ay nire-renovate ang Pasay City Public Market, nasa bahaging fish vendors na ang ginagawa, kaya naman pansamantalang nakapuwesto ang fish vendors sa labas ng gusali ng public market.

 

Pakiusap naman ng meat vendors, sana raw ay tapusin lang ang  buwan ng Disyembre bago gawin ang kanilang lugar, dahil mahihirapan ang kanilang mga suki na hanapin ang kanilang lilipatang lugar sa labas ng palengke.

 

Ang panawagan ng meat vendors kay Mayora Emi ay bunsod na mas malakas kasi ang kanilang benta kapag  dumarating ang panahon ng kapaskuhan.

 

Dasal ng meat vendors, sana raw ay pakinggan ng Mayora ang kanilang kahilingan.

 

Pa’no ba ‘yan Mareng Emi, pagbibigyan mo ba ang hiling ng meat vendors na pawang supporters ng pamilya Calixto?

 

Abangan!

Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Amor Virata

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Hall of Fame award, muling nasungkit ng QC LGU

AKSYON AGADni Almar Danguilan UNANG pinarangalan bilang Hall of Fame sa larangan ng pakikipagnegosyo ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Ang sabi sa akin…” vs. “Ako mismo…”

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA GITNA ng mga imbestigasyon sa flood control anomalies, malinaw ang …

Firing Line Robert Roque

Linis-bahay si Remulla

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MISTULANG kasado na ang bagong Ombudsman, si dating Justice …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Buwis, puhunan ng pag-unlad

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA BAWAT reklamo tungkol sa buwis, laging kasama ang tanong na …

Sipat Mat Vicencio

Ka Tunying bakit wala ang  ‘insertion’ ni Sen. Chiz?

SIPATni Mat Vicencio NAKAPAGTATAKA kung bakit sa dinami-dami ng mga senador na nakinabang sa P6.3 …