Tuesday , September 23 2025

Pagtatatag ng ospital sa SUCs, isinusulong ni Angara (Healthcare system ng PH, posibleng maibangon)

KAILANGAN tayong magkaroon ng mga ospital sa loob ng state universities and colleges (SUCs) para mas mapalakas ang ating sistemang pangkalusugan.

Ito ang ipinahayag ngayon ni Senador Sonny Angara, kaugnay ng patuloy na kakulangan sa mga hospital beds para sa mga iko-confine na pasyente.

Ani Angara, nang kasagsagan ng pananalasa ng CoVid-19 sa bansa, isa ang kakulangan ng hospital beds sa pinakamalaking hamong dinanas ng ating healthcare system.

Aniya, isa ang problemang ito, kasunod ng kakulangan sa mga doktor at iba pang medical personnel ang lalong nagparami sa bilang ng mga tinamaan ng sakit nitong mga nakaraang buwan.

Nakalulungkot aniya na base sa pag-aaral ng University of the Philippines, lumalabas na sa bawat 10,000 Pinoy, mayroon lamang 3.7 doktor na nakatalaga.

Lubha umanong napakalayo ng estadistikang ito sa itinatalaga ng World Health Organization (WHO) na kailangan ay may 10 doktor na nakatalaga sa bawat 10,000 populasyon.

Sa kasalukuyan, tanging ang NCR lamang ang nakatatalima sa naturang ratio.

Sa mga rehiyon tulad ng Region 1V-B, mayroon lamang 1.8 doktor sa bawat 10,000 populasyon, habang sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), mas mababa pa dahil sa ratio na 0.8 doktor para sa kada 10,000 katao.

Base sa datos ng Health Human Resource Development Bureau (HHRDB) ng Department of Health (DOH), tinatayang nasa 860,000 medical professionals ang rehistrado sa bansa, ngunit 189,000 lamang ang nasa serbisyo, mapapubliko man o pribadong ospital.

Tumutugma ito sa resulta ng ginawang pananaliksik ng UP kaugnay sa hospital bed to population ratio.

Lumalabas na mayroon lamang 6.1 hospital beds para sa bawat 10,000 Filipino, bagaman sa NCR ay nakaaangat ito sa estadistikang 13.5.

Sa Region IV-B, mayroon lamang ratio na 1 hospital bed kada 10,000 miyembro ng populasyon.

“Nakababahala na anim sa bawat 10 Filipino ay namamatay na hindi man lamang nasuri ng kahit isang doktor. Sa mga datos na inilabas ng mga eksperto, naging malinaw kung bakit napakahina ng ating sistemang pangkalusugan. Dahil ito sa matinding kakulangan sa mga pangunahing pangangailangang medikal. Ito rin ang pangunahing dahilan kung bakit dumami nang husto ang kaso ng COVID-19 sa bansa,” ani Angara.

Ayon sa senador, dalawang bagay ang kailangang pagtuunan ng pansin ng gobyerno upang mapalakas ang healthcare system ng Filipinas. Una rito aniya, ay ang pagpaparami sa bilang ng mga doktor at nurse, at ang pagdaragdag sa mga hospital bed.

Sa kanyang panukalang batas na Senate Bill 1850 o ang Healthcare Facility Augmentation Act, nilalayon ni Angara na magpatayo ang pamahalaan ng ospital sa mga SUC na may mga kursong medikal.

Ang bawat ospital na ito, ayon sa senador ay kailangang may 50-bed capacity.

Ayon kay Angara, bukod sa mapatataas ang hospital bed capacity, ang pagpapatayo ng SUC hospitals ay isa ring kritikal na hakbang upang makapagsanay nang mas maaga ang medical students sa SUCs.

Sa kasalukuyan, siyam (9) SUCs ang may kursong medikal na kinabibilangan ng University of the Northern Philippines; Mariano Marcos State University; University of the Philippines-Leyte; Cagayan State University; Mindanao State University- General Santos; Bicol University; West Visayas State University; Mindanao State University- Marawi, at ang University of the Philippines- Manila.

Umaabot sa 45 SUCs ang may BS nursing courses.

(NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST Region 1 MMSU NCC

Triple Partnership Forge for 2025 National Science and Technology Week

Laoag City, Ilocos Norte – The Department of Science and Technology Region 1 (DOST Region …

SM City Baliwag Clean Up Drive

Sa pagdiriwang ng Int’l Coastal Cleanup Day
SM CITY BALIWAG, MGA AHENSYA NG PAMAHALAAN LUMAHOK SA CLEAN-UP DRIVE SA MGA ILOG 

BILANG paggunita sa International Coastal Cleanup Day, ang SM City Baliwag, sa pakikipagtulungan ng mga …

DigiPlus PhilFirst

DigiPlus at PhilFirst inilunsad surety bond proteksiyon ng mga online gamer

ni Maricris Valdez HINDI na kakaba-kaba ngayon ang mga manlalaro ng online gaming na mawawala …

DigiPlus

Mas Matibay na Player Protection Dama sa BingoPlus, ArenaPlus, at GameZone
Surety Bond ng DigiPlus at PhilFirst, Inilunsad

Para sa proteksyon at kapanatagan ng loob ng mga manlalaro, inilunsad ng DigiPlus Interactive Corp., …

DOST - 2025 RSTW in ZamPen

DOST – 2025 RSTW in ZamPen

SIYENSYA, TEKNOLOHIYA, AT INOBASYON:  KABALIKAT SA MATATAG, MAGINHAWA, PANATAG NA KINABUKASAN 2025 RSTW in ZamPen …