Thursday , March 28 2024
Krystall herbal products

Krystall herbal products ritwal ng buhay para sa mabuting kalusugan

Dear Sis Fely Guy Ong,

Ako po si Marita Castillo, 47 years old, taga-Bagong Silang, Caloocan City.

Suki po ako ng Krystall herbal products. Noong nakatira pa kami sa Potrero, Malabon, bumibili po ako ng products ninyo sa Victory Mall.

Siyempre, isa po sa produktong Krystall na hindi nawawala sa bahay ang Krystall Herbal Oil. Ginagamit po namin ito mula sa mga baby hanggang sa mga senior family members.

Ngayon nga pong panahon ng pandemya, kami po’y ingat na ingat kapag kinakailangang lumabas ng bahay. Isa pa, hindi po kami komportable sa mask at sa face shield pero dahil batas ito at ang lumabag ay maaaring hulihin, kaya sumusunod kami. Pero sa totoo lang po, very uncomfortable sa breathing.

Kapag nakauwi na sa bahay agad kaming naglilinis ng katawan sa banyo sa pamamagitan ng sabon at maligamgam na tubig. Pagkatapos nito ay iinom ng Krystall Nature Herbs bilang panlaban sa anomang virus na posible naming nasagap sa labas ng bahay. At bago matulog ay naghahaplos ng Krystall Herbal Oil para siguruhing maayos ang aming pagtulog.

Ritwal na po ito ng pamilya na araw-araw naming ginagawa para sa ikabubuti n gaming pakiramdam at kalusugan.

By the way, supplements din po namin ang Krystall Vit. B1 & Vit. B6.

Maraming salamat po Sister Fely dahil sa napakahusay na mga produktong Krystall na inyong imbensiyon. Tunay na malaking tulong sa aming kalusugan.

 

Bilib sa Krystall,

 

MARITA CASTILLO

Bagong Silang,

Caloocan City

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

About Fely Guy Ong

Check Also

Bernard Kaibigan Palawan

Pamilyang Pinoy protektado sa Palawan ProtekTODO

BATAY sa datos ng Philippine Insurance Commission, nananatiling mababa sa 1.75 porsiyento ang bilang ng …

Krystall Herbal Oil

Peleges sa noo nabanat ng Krystal Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Magandang araw …

Moira dela Torre Jethro Cerezo

Moira marami ang ginulat: sexy at  parang tin-edyer

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MARAMI ang nanibago at ginulat ni Moira dela Torre nang ipakikala ito …

KWF PNU UP DLSU

Lagdaan ng Kasunduan ng KWF, PNU-LSC, UP-Lingg, at DLSU-Filipino para sa idaraos na Pandaigdigang Kumperensiya sa Nanganganib na Wika

Idinaos ang lagdaan ng Memorandum ng Kasunduan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), Language Study …

80 NorMin Regional RDI Committee members meets for 2024 plans, initiative

80 NorMin Regional RDI Committee members meets for 2024 plans, initiative

Eighty committee members of the Regional Research, Development, and Innovation Committee (RRDIC) of Northern Mindanao …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *