Wednesday , January 20 2021
Breaking News
You are here: Home / News / Kelot kritikal sa saksak  
Kelot kritikal sa saksak   

Kelot kritikal sa saksak  

KRITIKAL ang kalagaya sa pagamutan ng isang mister matapos dalawang beses na undayan ng saksak ng kabarangay sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.

 

Inoobserbahan sa Jose R. Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang biktimang kinilalang si Richard Segovia, 44-anyos, residente ng Guyabano Road, Barangay Potrero ng nasabing lungsod sanhi ng saksak sa kanang dibdib at kaliwang braso.

 

Pinaghahanap ngayon ng pulisya ang suspek na kinilalang si Alex Cerbito, nasa 35-40 anyos ang edad, residente sa Macopa St., ng nasabing barangay na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

 

Batay sa pinagsamang ulat nina P/SSgt. Ernie Baroy at P/Cpl. Renz Marlon Baniqued, dakong 5:00 am, naglalakad pauwi ang biktima sa kahabaan ng Macopa St., nang harangin ng suspek at walang sabi-sabing inundayan ng saksak sa dibdib at braso.

 

Mabilis na tumakas sa hindi matukoy na direksiyon ang suspek habang nakahingi ng tulong sa kaibigan ang biktima na nagdala sa kanya sa pagamutan.

 

Inaalam ng pulisya ang motibo ng pananaksak sa biktima. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top