Tuesday , May 11 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Beautéderm lady boss na si Ms. Rhea Tan, kahanga-hangang Mega Woman
Beautéderm lady boss na si Ms. Rhea Tan, kahanga-hangang Mega Woman

Beautéderm lady boss na si Ms. Rhea Tan, kahanga-hangang Mega Woman

NAGPASALAMAT ang Beautéderm President and CEO na si Ms. Rhea Anicoche-Tan sa pagiging Mega Woman ng Mega Magazine sa kanilang November 2020 issue.

 

Ito ay base sa kanyang FB post recently:

 

“I feel as if I’m in a dreamlike trance…but I know that this is real.

 

“For my life and my life’s work to be celebrated as I have been chosen by MEGA MAGAZINE (the Number 1 Fashion Magazine!) to be its MEGA WOMAN for the month of NOVEMBER is truly a humbling honor.

 

“I thank Mega Magazine as the six-paged layout chronicles not only my personal style but my life’s journey as well. It is my hope that through my story, women of all ages will be empowered to fulfill their dreams as anything is possible as long as we keep ourselves in track with a clear mind.

 

“Please grab a copy of their November 2020 issue guys

 

“I thank Mega Magazine for finding favor in the hard work that I poured in Beautéderm.

 

“I am so very, very grateful.

 

“Let us all celebrate the Beauté of life and love.”

 

Sa totoo lang, isang tunay na Mega Woman si Ms. Rhea na bukod sa nasa likod ng tagumpay ng Beautederm sa beauty and wellness industry, siya ay sadyang beautiful inside and out. Dahil hindi lang kagandahang panglabas ang taglay niya, kundi ang kakaibang kabaitan at sobrang pagiging generous.

 

Nitong panahon ng pandemic, ilang beses siyang nag-donate at nag-distribute ng Beautéderm alcohol, hygiene kits, PPE sets, cooked foods, relief goods, bigas, at iba pa. Mayroon din mga scholar na sinusuportahan ang lady boss ng Beautéderm sa pamamagitan ng kanyang ContriBeauté Foundation.

 

Nakiisa rin si Ms. Rhea sa Shop & Share 2020 at nag-donate ng isang Hermes Birkin bag at Christian Louboutin shoes. Bago pa ito ay nagsagawa na siya ng Luxury For A Cause at nagpa-auction si Ms. Rhea ng kanyang branded collections para itulong sa charity, frontliners, at mga biktima ng CoVid-19.

 

Isang certified collector ng mamahaling bags si Ms. Rhea kaya sadyang mahal niya at mahalaga sa kanya ang mga ito. In fact, talagang alagang-alaga niya ang kanyang mga mamahaling collections. Ngunit mas pinahalagahan niya ang makatulong sa nangangailangan.

 

Kakaiba rin ang pagmamahal niya sa kanyang Beautederm family, ambassadors/endorsers, resellers at distributors, employees, pati na sa mga taga-media. Kaya naman sadyang bukambibig ang kabaitan ni Ms. Rhea na nakapagbibigay ng inspirasyon sa maraming tao.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top