Monday , November 30 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sanya Lopez, makalilipat na sa bahay na binili sa kasagsagan ng pandemya

Sanya Lopez, makalilipat na sa bahay na binili sa kasagsagan ng pandemya

NAKARAOS ang Kapuso actress na si Sanya Lopez nang lakas loob niyang binili ang dream house niya sa kasagsagan ng pandemya.

Ngayon, patapos na ang sariling bahay at by December, baka makalipat na siya.

“Nag-alangan ako noong una. Pero pakiramdam ko, ito na ‘yung bahay na gusto ko. Sige, bibilhin ko ‘yan. Kaya ko ‘yan. Gusto ko ito. Naniniwala akong kakayanin ko!” pahayag ni Sanya sa gmanetwork.com.

Kinaya nga niya ang gastos dahil ilang construction na lang at paglilinis ang gagawin.

Eh si Sanya naman ang pumalit kay Maran Rivera sa Kapuso series na First Yaya at guest siya sa episode bukas sa Magpakailaman na Halimaw sa Kama kaya may pandagdag siya sa iba pang gastusin sa bahay, huh!

Jun Nardo

About Hataw Tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top