Monday , November 30 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Raffy Tulfo, tinapos na ang pagtulong kay Michelle

Raffy Tulfo, tinapos na ang pagtulong kay Michelle

LUMALABAS na walang basehan ang mga akusasyon laban kay Super Tekla ng dating kinakasamang si Michelle Lhor Bana-ag.

Kaugnay nito, tinapos na rin ng broadcaster na si Raffy Tulfo ang pagtulong kay Michelle dahil pinagdududahan niyang may itinatago ito matapos nitong umatras sa napagkasunduang drug test.

Dahil din dito, nagsalita pa ang nasabing broadcaster na tutulungan niya si Tekla na makuha ang kostodiya ng kanilang anak.

Magandang balita ito para kay Tekla na lubhang naapektuhan ng kinaharap na isyu. Hindi rin matatawaran ang suportang ibinigay sa kanya ng mga kaibigan at iba pang kasamahan sa showbiz.

Marami ring netizens ang nagpakita ng simpatya kay Tekla sa kasagsagan ng kanyang problema.

Joe Barrameda

About Hataw Tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top