Monday , November 30 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Puna sa Miss Philippines Universe, ‘di pa tapos

Puna sa Miss Philippines Universe, ‘di pa tapos

ANG dami-daming puna sa ginanap na Miss Philippines Universe. Pinipintasan pati ang kanilang taped coronation show na napanood sa telebisyon two days after. Bago pa sila nagsimula sa TV, lumabas na sa ilang social media accounts kung sino ang nanalo, kasi nga taped program na lang iyon.

Nakaiinis naman talaga ang mga comment lalo na’t hindi na nila binigyan ng konsiderasyon ang hirap ng organizers na ngayon lang humawak ng ganyan kalaking event, at may pandemic pa. Hindi ninyo sila maaaring ikompara sa Binibining Pilipinas Charities na 50 taong humawak ng beauty contests. Sila mga baguhan lang lahat. Ang hindi lang maganda, masyado silang napikon, at ang mga kritiko ay tinawag pa ng isa sa kanila na “mga bulate.”

Maging iyon pinunan ng netizens. Eh magkakaiba naman ang mga tao. Magkakaiba ang kinalakihang values. Bakit naman ninyo ikukompara iyon kay Stella Marquez-Araneta?

Ed de Leon

About Hataw Tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top