Friday , November 27 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Liza Javier madiskarte sa kanyang career

Liza Javier madiskarte sa kanyang career

Kahit na hindi pa bumabalik sa normal ang regular na kinakantahang Music Bar sa Osaka at Tokyo Japan ay tuloy-tuloy pa rin ang career ng Deejay Musician na si Liza Javier.
Yes aside sa thrice a week na internet radio program sa TIRADABALITA.COM na mapapakinggan worldwide every Monday, Wednesday, and Friday at 12:00 am to 2:00 am (Philippine Time).

Todo promote rin si Liza ng dalawa sa pinakasikat na beauty products sa Japan na anti-aging na Ruby-Cell at Riway na super effective raw pampaputi at pang-flawless ng skin.

And, in all fairness, sa lakas ng convincing power ni Ms. Liza sa pagpo-promote nito ang lakas raw ng sales niya. Aside sa negosyo niyang ito ay suma-sideline rin si Liza sa pagtuturo ng English sa mga hapon at may “K” siyang maging English tutor dahil educated siya at nakapagtapos ng kolehiyo.

May charity din si Liza para sa mga OFW na gustong makapag-aral nang libre sa TESDA, bisitahin n’yo lang ang website ng TESDA para sa iba pang detalye.

This November ay excited na si Ms. Javier para sa bagong parangal sa kanya ng Gawad Amerika na this year ay itinanghal siyang “2020 Most Outstanding Radio Host – Tokyo.”

Peter Ledesma

About Hataw Tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top