Friday , November 27 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sanya Lopez, tampok sa Halloween special ng #MPK

Sanya Lopez, tampok sa Halloween special ng #MPK

ISANG nakapangingilabot na kuwento ang handog ng Magpakailanman sa Sabado (October 31).

Ito ang istorya ni Mayet, isang babae na halos gabi-gabi ay nagiging biktima ng sexual assault mula sa isang demonyo. Pero dahil walang ibang nakakakita sa krimen, hirap siyang patunayan sa mga mahal sa buhay ang nangyayari sa kanya. Hanggang sa umabot na sa puntong nagiging sanhi ito ng pagtatalo nila ng asawang si Vic, na hindi rin naniniwala sa kanyang kalagayan.

Ang episode na ito ay pagbibidahan ni Sanya Lopez, kasama sina Pancho Magno, Angeli Bayani, at Mon Confiado.

Abangan ang Halloween special ng #MPK – ang Halimaw Sa Kama, sa Sabado, pagkatapos ng The Clash sa GMA-7.

Rommel Gonzales

About Hataw Tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top