Saturday , November 28 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Raffy Tulfo, naimbiyerna kay Michelle; Custody ng anak, kay Super Tekla mapupunta

Raffy Tulfo, naimbiyerna kay Michelle; Custody ng anak, kay Super Tekla mapupunta

MAY kasabihan na ‘pera na naging bato pa’ nangyayari ito kapag ang taong nakatakdang tulungan ay abusado o hindi nagsasabi ng totoo kaya umaatras ang tutulong.

Ito ang maliwanag na nangyari sa rating live-in partner ng komedyanteng si Super Tekla na si Michelle Lhor Bana-ag na tutulungan na sana ni Raffy Tulfo sa apat na buwang renta ng bahay, tulong pinansiyal para sa pagkabuhayan, grocery at pustiso, pero biglang kumambyo ang radio host dahil umatras si Michelle.

Sabi ni Idol Raffy, “’Yung pustiso mo sana naging gilagid pa, ‘yung renta sana ngayon matutulog ka sa lupa. Ewan ko sa ‘yo bahala ka kung saan ka maghahanap ng matitirhan, hindi ko na rin ibibigay ang groceries kasi baka ibenta mo at ipambili mo ng droga.”

At kaya umatras si Michelle, “Pinagalitan po ako ng tita ko sir Raffy kasi po may binat pa raw po ako kaya huwag ko raw po muna ipagalaw ang buhok,” sabi ng dating live-in partner ni Super Tekla.

Napangisi ang idol ng bayan, “Michelle, Michelle, mukhang sinunong mo ang sarili mo sa akin, mabibinat ka? Eh, ang gagawin naman sa 70 to 100 strands of hair na ‘yun hindi bubunutin bagkus ay guguntingin lang na sinabi sa ‘yo ng staff kahapon pa lang ‘di ba? Paano ka mabibinat doon? Hindi naman hihilahin ang mga buhok mo kundi gugupitin lang.”

Inulit uli ni Raffy kay Michelle nang may nagtanong na netizen kung sasalang pa siya sa lie detector test at drug test dahil nga nagka-ayos na sila ni Tekla at sabi nga hindi na kailangan.

“Sabi ko hindi na, pero naghamon ka, sabi mo gusto mo magpa-hair follicle drug test to prove to them na inosente ako, blah, blah. Ikaw ang naghamon, remember? Sabi ko, you don’t have to pero sige pagbibigyan kita. Sabi ko, aba matapang ito at mukhang nagsasabi ng totoo.

“Nag-offer ako ng mga tulong remember, pustiso, bayad sa rent, 4 months advance, groceries, etc. Now, umaatras ka?” iritang tanong kay Michelle.

Suhestiyon daw kasi iyon ng tita niya, pero kung siya lang ay gusto niya kaya nagsabi siyang itutuloy na lang.

“Hindi na Michelle! Hindi mo lang sinunog ang sarili mo sa akin kundi nag-dive ka sa dagat na umaapoy. It’s very clear sa akin na this is indication to me na mayroon ka talagang itinatago, you’re lying. Kasi alam mo kapag sa ‘yo rin, kaya mong iwasan, pero rito (hair follicle drug test) up to 90 days, malalaman kung gumagamit ka pa rin o hindi. Ikaw ang naghamon, now, ‘yung palusot mo na sinasabi ng tita mo o auntie mo na mabibinat ka, that’s bullshit!

“Hindi ako doktor pero I know for a fact na walang kinalaman na ikaw ay mabibinat kapag ikaw ay ginupitan ng buhok at ikaw ay nanganak 4 months ago. Alam mo, lusot ka na sana kahapon, binigyan kita ng graceful exit Michelle. Alam mo ang graceful exit? ‘Yung pag-exit na hindi ka napahiya sa akin. Kahit binabanatan ka na ng mga netizen, sa akin, hindi ka pa rin totally napahiya.”

At dahil dito ay nagsabi si Raffy na ire-refer niya sa DSWD (Department of Social Welfare and Development) para ma-assess si Michelle kung may kakayahan siyang mag-alaga ng mga pamangkin niya at anak.

Dito na nag-iiyak si Michelle kasama ang pamangkin

“’Wag mong isama ang pamangkin mo sa pag-iyak mo hindi niya alam kung bakit siya nakikiiyak! Very clear kasi sa akin na mukhang gumagamit ka pa rin (droga), huwag kang umiyak, ‘wag mo akong dramahan. Kung gumagamit ka pa rin, hindi ka dapat mag-alaga ng mga bata. Kaya pupunta ang taga-DSWD para malaman nila kung gumagamit ka pa o hindi na, at kapag nalaman, ipu-pull out ang mga bata kasi wala kang kakayahan mag-alaga.

“Kahit na umiyak ka pa ng dugo, wala na akong pakialam sa’yo. Hindi na, hindi mo na ako madadala, nahuli na, pandoras box ‘ika nga,” diretsong sabi ng RITA host.

Posibleng mapunta kay Tekla ang anak nila ni Michelle na si Angelo dahil si Raffy mismo ang magsasabing walang kakayahan ang ina na alagaan siya.

Reggee Bonoan

About Hataw Tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top