Friday , November 27 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Magkaagaw, naghahanda na para sa balik- taping

Magkaagaw, naghahanda na para sa balik- taping

NALALAPIT na rin ba ang pagbabalik-telebisyon ng Kapuso series na Magkaagaw?

Balita namin, nitong Lunes (Oktubre 26) ay nagsimula nang mag-script reading ang cast ng drama series na pinangungunahan nina Sheryl Cruz, Sunshine Dizon, Jeric Gonzales, at Klea Pineda.

Bago matigil ang production ng serye noong March, pasabog ang huling eksena nang nalaman na nina Clarisse (Klea) at Laura (Sunshine) na si Veron (Sheryl) ang kabit ni Jio (Jeric). ‘Ika nga ng netizens at viewers, nabitin sila dahil kapana-panabik ang mga susunod na mangyayari sa kuwento.

Kaya naman good news para sa loyal viewers ng serye ang balitang naghahanda na rin ang cast at production sa pagbabalik-taping para sa fresh episodes ng kanilang paboritong programa.

Rommel Gonzales

About Hataw Tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top