Monday , November 17 2025

2 tulak timbog sa P.6-M shabu

BAGSAK sa kulungan ang dalawang hinihinalang tulak ng droga matapos makuhaan ng mahigit sa P.6 milyong halaga ng shabu makaraang masakote sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Navotas police chief Col. Rolando Balasabas ang naarestong mga suspek na sina Michael Manalaysay, 41 anyos, residente sa M. Domingo St.. Barangay Tangos North at Jayson Esguera, 40 anyos, ng Silahis St., Barangy Tanza 1.

Ayon kay Col. Balasabas, nakatanggap ng report ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa pagbebenta ng ilegal na droga ng mga suspek sa lungsod kaya’t isinailalim sila sa monitoring at surveillance operation.

Nang maging positibo ang ulat, nagsagawa ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni P/Lt. Genere Sanchez ng buy bust operation sa M. Domingo St., dakong 8:00 pm na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek matapos bentahan ng P500 halaga ng shabu ang isang pulis na umaktong buyer.

Narekober sa mga suspek ang 31 pirasong plastic sachets na naglalaman ng 101 gramo ng hinihinalang shabu, tinatayang nasa P686,000 ang halaga, buy bust money at P500 bill.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Rommel Sales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw Tabloid

Check Also

DOST 3 BulSu Bulacan

DOST Launches Regional STI Fair: Showcases Innovations with Tangible Community Impact

Empowering communities through science and innovation, the Department of Science and Technology (DOST) launched the …

DOST 3 iHUB SARAI CeNTRo AMCen

Central Luzon Enters New Phase of Innovation with Launch of DOST Hubs

The Department of Science and Technology (DOST) formally launched three major facilities that are expected …

DOST bauertek

BauerTek: Central Luzon’s Innovation Champion Heads to Nationals!

MALOLOS CITY, BULACAN – BauerTek Farmaceutical Technologies has clinched the Regional Winner title for Central …

Nartatez PNPA

Sa Gabay ni Chief Nartatez PNPA Iniaangat ang Paghubog ng Bagong Pulis

Umaga ng November 13, 2025, muling pinagtibay ni Acting Chief of the Philippine National Police, …

FPJ Panday Bayanihan Party-list nagkaloob ng Doxycycline sa Dagupan City LGU

FPJ Panday Bayanihan Party-list nagkaloob ng Doxycycline sa Dagupan City LGU

Dagupan City — Personal na isinagawa ng FPJ Panday Bayanihan Party-list ang turnover ng 25 …