Saturday , November 28 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sandra Lemonon, may ibubulgar pa sa Miss Universe Philippines

Sandra Lemonon, may ibubulgar pa sa Miss Universe Philippines

SINASABI ng isa sa top 16 sa katatapos na Miss Universe Philippines, na si Sandra Lemonon ng Taguig na nag-iipon muna siya ng lakas bago niya ibulgar ang lahat ng sinasabi niyang mga hindi tamang nangyari sa beauty pageant. Wala naman daw siyang hinahangad kundi hindi na sana maulit ang hindi magandang karanasan nila sa mga susunod pang kasali.

Sinasabi naman ng ilang supporters ng Miss Universe Philippines na siguro nga naging magulo dahil sa umiiral na pandemic. Hindi nila naasikasong mabuti ang lahat. Isa pa, first timer sila. Ito ang kauna-unahang Miss Universe Philippines na ang nag-handle ay hindi ang mas bihasa nang Binibining Pilipinas Inc. Iyong Binibining Pilipinas kasi ang siyang handler ng contest na iyan simula’t simula pa. Hindi naman nagkaroon ng ganyang irregularidad sa kanila. May mga reklamo rin pero hindi naman ganyan.

Kung kami ang tatanungin, dapat magsalita na si Sandra, kung may sasabihin pa nga siya.

Ed de Leon

About Hataw Tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top