Saturday , November 28 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kris, sa tunay na kalagayan ng kalusugan–There’s no cure

Kris, sa tunay na kalagayan ng kalusugan–There’s no cure

MARAMI ang nagtanong sa amin kung bakit sa condo nakatira ngayon sina Kris Aquino kasama ang dalawang anak na sina Joshua at Bimby?

At dahil hindi rin namin alam ang sagot kaya nagtanong din kami sa mga taong malapit kay Kris, “gusto n’ya po, he, he, he.”

‘Yun lang ang matipid na sagot sa amin at inisip na lang namin na baka mas type ulit ng mama nina Josh at Bimby na may nakikita siyang magandang view, ang pagsikat at paglubog ng araw ay maganda nga namang makita kapag nasa tuktok ka ng gusali.

Na kung hindi kami nagkakamali ay nasa penthouse unit sila.

Baka nagsawa na si Kris na wala siyang nakikita sa bahay niya kundi ang swimming pool at apat na sulok ng magandang bahay niya bukod pa sa mugs and coffee mug thermos niya na laging napapansin ng kanyang mga bisita bukod pa sa pink marble island kitchen.

Anyway, nang makita ang video post ni Kris na kinukunan ang maraming produkto na nakalagay sa kanya-kanyang kitchen cart trolley organizer ay inisip naming supply niya ulit ito mula sa mga produktong ineendoso niya plus ang online apps.

Marami ang nag-comment kay Kris kung kailan ulit siya mapapanood sa telebisyon at kung posibleng makabalik siya sa ABS-CBN nasa mood siya dahil ipinost niya ang kanyang litrato sa Instagram at game na sinagot lahat ang tanong ng followers niya.

Pero bago iyon ay ipinakilala ni Kris ang sarili niya.

Caption ni Tetay sa kanyang IG photo, “Hi, I’d like to reintroduce myself to all of you My name is Kris Aquino, full name is Kristina Bernadette Cojuangco Aquino. I’m the youngest of the 5 children of Ninoy and Cory Aquino. And I’m the mom of Josh & Bimb.

“If you feel like getting reacquainted, I’ll do my best to answer as truthfully as is PROPER, whatever questions you may now have for me. Ready na.”

At ang sagot nga ni Kris sa tanong sa kanya na, “Is there any chance you’ll still work with ABS-CBN?”

“I’d like to think bridges can always be built,” diretsong sagot nito.

Marami na ang nakaka-miss kay Kris kaya tinanong bakit hindi na lang siya ang mag-produce ng sarili niyang programa.

Tanong sa Queen of Social Media, “We missed you on TV. Is it not possible that you can be the producer of your own show just like some celebrities?”

Sagot ni Kris, “Hindi ako kasing yaman as you may think I am.”

Hayan, klaro na rin na sinagot na ni Kris ang tanong din ng lahat kung bakit hindi na lang siya ang mag-produce ng show niya sa TV5 na hindi natuloy.

Tinanong din ang tungkol sa politika, “Seeing yourself in politics in 5 years?”

“It’s destiny- so I can make all the plans but it’s really all up to God’s plan for my life,” sagot nito.

At siyempre kinumusta ang kalusugan niya ngayon,“Are you totally well na, recovered from all the illnesses you had before?”

“There’s no cure. There are okay days & there are not so okay days. I just promised myself the not okay ones are only for me & those living with me to know,” pagtatapat nito.

Base naman sa napanood namin sa latest video post niya, isa sa pinagkakaabalahan niya ngayon ay ang coloring book.

Reggee Bonoan

About Hataw Tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top