Friday , November 27 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sandra Lemonon, may patutsada!

Sandra Lemonon, may patutsada!

Mukhang hindi magtatapos sa pagkakahirang ni Miss Universe Philippines titleholder na si Rabiya Mateo ng Iloilo City ang kaguluhan sa annual beauty contest na ito. As of now, trending sa Twitter ang pangalan ni Sandra Lemonon.

Hindi kasi nakaligtas sa mapang-intrigang netizens ang matalinghagang Instagram stories ni Sandra, na tipong may pinarurunggitang personalidad. Umaalma si Sandra dahil sa insidenteng may nangyari raw na kawalan ng hustisya.

Sandra posted this message at 5:00 a.m.

“Get ready loves, tomorrow I will be announcing big news, it’s time to be honest and speak facts.”

At around 11:00 a.m., Sandra came out with another cryptic post.

“the truth always comes out

“It’s just about timing

“Karma is real

“Because we deserve justice.”

Higit na intriguing ang binitiwang pananalita ni Sandra on her third cryptic post.

“Get your tea

“Accepting defeat graciously is one of many mark of being a queen

“But what you forgot to say

“Is that REAL queens

“Play FAIR don’t CHEAT.”

Hindi man tuwirang binanggit ni Sandra ang pangalan ni Rabiya ng Iloilo City, but it appears that she is not in favor of the winning of the new Miss Universe Philippines titleholder.

At this juncture, maraming netizens ang curious kung anong ‘truth’ ang nais ni Sandrang ibunyag.

Apart from Sandra, trending din sa Twitter si Michele Gumabao, the representative of the Quezon City at the pageant.

Pasok si Michele sa Top 5 finalists ng Miss Universe Philippines, but she failed to win the title.

She was crowned as second runner-up at the pageant.

Usap-usapan sa ngayon na nag-unfollow raw supposedly sina Sandra at Michele sa Instagram account ng newly-crowned Miss Universe Philippines na si Rabiya ng Iloilo City.

In connection with this, napansin rin ng netizens kung bakit wala umano si Michele sa retrato ng Top 5 finalists ng Miss Universe Philippines.

Nakunang magkakasama sina Miss Universe Philippines Rabiya Mateo, first runner-up Ysabella Roxas Ysmael (Parañaque), third runner-up Pauline Cucharo Amelinckx (Bohol), at fourth runner-up Billie Hakenson (Cavite).

Hindi malinaw kung nagkataon lang na hindi nakasali si Michele sa photo-op o talagang hindi siya nakarating sa event.

Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

Pete Ampoloquio Jr.

About Hataw Tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top