Sunday , May 9 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kris, hanga sa paninindigan at katatagan ni Angel; Angel, ‘di titigil maglabas ng ebidensiya

Kris, hanga sa paninindigan at katatagan ni Angel; Angel, ‘di titigil maglabas ng ebidensiya

BILIB talaga si Kris Aquino sa tapang ni Angel Locsin dahil sa bawat panayam ni Lt. Gen. Antonio Parlade Jr. sa media patungkol sa kapatid nitong si Ella Colmenares ay panay din ang labas ng ebidensiya ng aktres para patunayang hindi totoo ang pinagsasabi ng PNP officer.

Nagkomento si Kris sa IG post ni Angel nitong Linggo ng gabi na naglabas siya ng transcript of records ni Ella ng taong enrolled ito sa Philippine Christian University. Kaya hindi totoong kasapi ang kapatid niya sa NPA.

Sabi ni Kris, “Gel, just like I messaged you—HANGA ako sa katatagan at paninindigan mo. Reminds me of some lyrics of my dad’s favorite song, ‘Impossible Dream’: To fight for the right / Without question or pause /To be willing to march / Into hell for a heavenly cause.”

Hangga’t iniuugnay ni Parlade ang kapatid ni Angel ay hindi rin titigil ang aktres na maglabas ng ebidensiya para patunayang hindi totoo ang lahat ng bintang sa kapatid niyang si Ella.

Sa Facebook post ni Parlade, ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), sinabi nitong na-deploy si Ella bilang NPA member sa Polilio Island sa loob ng 18 buwan noong 2015.

“She was part of the NPA band which attacked Polilio Municipal Police Station. Our Marines in the area knew this,” ani Parlade. Aniya pa, si Ella raw ay isa na ngayon sa mga recruiter ng women’s rights group na Gabriela.

“All those times when she was underground as (member of the NPA), she was supported by Angel.”

At dito nga inilabas ng aktres ang kopya ng TR ni Ella.

“As much as possible, we want to address this issue through proper channels and not in social media. It is not my responsibility to provide evidence.

“But since the gentleman has been non-stop targeting me and my family, we are releasing this transcript of record of my sister Ella in PCU on the year that he claimed that he has ‘witnesses’ that my sister ‘was part of an attack in Polilio.

“The rest of his claims is utterly wrong.

“Kelan naging korte ang Facebook at presscon? And when did supporting youth and women’s causes become a crime?

“I am against red tagging so I’m not going to red-tag Gabriela or Kabataan. No, that’s not my job. Proving these allegations is his job in proper courts. Do your jobs, I don’t care. Just don’t put civilians in the middle of communist hunt and endanger them. You can’t protect us 24/7.

“He is clearly targeting the wrong person. I don’t understand why he keeps mentioning my name in his interviews and statements. Fearing for my family’s safety and mine,” mahabang sabi ni Angel.

Ayon naman kay Neil Arce na fiancé ni Angel, “With all he’s said which is 99% wrong. I still don’t see anything connecting my fiancé to these groups. So why keep mentioning her name?”

Reggee Bonoan

About Hataw Tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top