Friday , December 4 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kim labis na dinamdam, pagkawala ng BF

Kim labis na dinamdam, pagkawala ng BF

HINDI napigilan ni Kim Domingo na maging emosyonal nang mapag-usapan ang kanyang best friend na pumanaw dahil sa lung disease nitong Agosto.

Sa interview ng 24 Oras, ibinahagi ng aktres na labis niyang dinamdam ang pagkawala ng kanyang matalik na kaibigan. Ikinuwento rin ni Kim na dahil dito ay nagkaroon siya ng anxiety at nakaranas ng clinical depression kaya’t kumonsulta siya sa isang specialist.

Sa tulong ng kanyang pamilya at mga kaibigan ay unti-unti siyang nakabangon sa pinagdaanan.

“Tuwing magkakaroon ako ngayon ng achievement, sabi ko pupunta ako lagi sa kanya. Dadalawin ko siya. Every achievement na mararating ko ngayon, sabi ko, alay ko ‘yon sa kanya. Ang dami naming dreams. At saka sa lahat ng pangarap ko sa buhay talagang kasama na siya roon kasi hindi ko siya itinuring na parang kaibigan lang kasi part of the family talaga,” say ng Bubble Gang mainstay.

Joe Barrameda

About Hataw Tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top