Wednesday , November 25 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Family History, muling mapapanood sa PPP 2020

Family History, muling mapapanood sa PPP 2020

BAHAGI na ng 2020 Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) ang Family History na ipinrodyus ng GMA Pictures at Mic Test Entertainment, Inc.. Ito rin ang directorial debut ng award-winning comedian at content creator na si Michael V.

Ang Family History ay isang heart-warming na kuwento ng isang pamilyang may kinakaharap na matinding pagsubok. Bida rito sina Michael V. at Dawn Zulueta bilang mag-asawang sina Alex at May, na sa umpisa ay imahe ng isang “happily married” couple. Pero unti-unti ay makikita ang mga problema sa pagsasama nila. Na nang malamang may cancer si May, kakailanganing gumawa ni Alex ng isang malaking desisyon para sa pamilya nila.

Mula October 31 hanggang November 15, magaganap ang online festival sa website ng Film Development Council of the Philippines (FDCP). Magkakaroon dito ng apat na virtual cinemas na may scheduled screenings ng iba’t ibang palabas.

Para mapanood ang Family History at sa mga karagdagang detalye, bisitahin ang FDCPChannel.ph.

Joe Barrameda

About Hataw Tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top