Tuesday , May 18 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Entries para sa Pamaskong handog ng 7K Sounds, dagsa

Entries para sa Pamaskong handog ng 7K Sounds, dagsa

PUMASOK ako sa tila maliit na kahon na lang na kung tawagin ay cellphone.

Tsikahan kay Direk Alco Guerrero. Ang timon ngayon sa sinimulan ng artist na si LA Santos para lalo pang mapalaganap ang musikang Pinoy. Ang musikang atin. Sa pamamagitan ng itinatag niyang 7K Sounds.

Dahil maraming problema rin ang tila maliit na kahon na ito. Sa pagdurugtong sa pwede mong mabuksang mga posibilidad.

Ayun na nga. Pinanood muna sa amin ang unang hataw ng programa ng 7K Sounds na ipinakilala na ang tatlong nagsumite ng kanilang Pamaskong entries. Na pawang swak na swak ang mensahe sa panahon ng inaabangan na nating Kapaskuhan.

Ang napili ko ay ‘yung bumanat ng rap. ‘Yung una. Kaindak-indak. Madaling maaalala. At kung pwede na magkaroling, masayang ibahagi ito sa maybahay at ibati! Mula sa Cagayan de Oro si Dandel Casim at ang kanta niya ay may pamagat na Araw Ng Pasko.

Sinundan ito ng Glorya ng Pasko ni Sandy Leonardo mula sa Taguig at ang ikatlo ay ang mala-love song na Ikaw Ang Gusto Ko sa Pasko ni Rom Labsan ng La Union.

Bongga ang unang pasabog ng #UnangBati nina LA, Gretchen Ho, at Nicole Asensio. Na mapapanood kada Biyernes, 7:00 p.m..

Ang 6:00 p.m. naman kay Direk Alco ay nalipat na sa 8:00 p.m.. Inantok na ‘ata ang iba at iilan kaming nakasama niya at nina Neil at Edrez sa tsikahan.

“It’s a fact that hearing will be the last of the senses to leave you at the point of death. So what should this beautiful country of ours hear when all of now has passed and a new day is upon us? One way or another these trials will end. We find the songs, YOUR SONGS, for that beautiful day beginning Friday ♥️ 🏻🇵🇭 All are most welcome,” ang paanyaya ni Direk na nagsaad na talagang hangang-hanga siya sa King of Rap at Master Rapper na si Francis Magalona at kay Papa Dom ng Tropical Depression na nagsimula sa punk music pero nahanap ang pagkakakilanlan sa reggae.

“What is the most beautiful part in the life of an idea?

“When it leaves it’s home to become so much bigger than an idea. When it becomes the life goal of a young man still finding his place in the wonderful world of music. When it’s become the cause of one of the sharpest women you’ll meet herself a big believer in the Filipino musician, when it becomes the rallying point for a veteran vampire of Pinoy rock and roll and now a budding master of the sound.

“When it becomes a place to call a job and more to so many at a time when a pandemic has pounded an entire industry to the ground. When it becomes the songs of people like Dandel in Mindanao, Santy in Taguig, and Rom in La Union all eager to spell their cheer out to the families and loved ones.

“When it becomes the place where those who work under the radar get their express themselves and talk of what they do with no fear of hate, people like Antonio Aguirre who through Raf Davis are way out there pushing all the Filipino is. The Sound of 7000 as an idea was a burden before this night, a dream every that single day haunted until today.

“Today….yes today…it is real And it is yours Filipino Musician, it is yours ♥️🇵🇭 Do send in your songs! And we will talk more. We will do this because you deserve it 🏻.”

Nilinaw nga nina LA, Direk Alco, pati na ni Mommy Flor Brioso Santos na hindi ito isang kompetisyon kahit pa P25K ang igagawad sa mapipiling pamaskong kanta. Ang layunin nga ay mailabas ang talento ng mga musikero mula sa may 7,000 isla ng Pilipinas.

“Share Christmas Love,” sabi nga ni Direk Alco. At ayon kina Neil at Edrez, may halos 20 entries na ang nakatakda ring mapakinggan ng mga tao sa kanilang online show sa mga darating na Biyernes.

Kasali tayo sa pipili!

Pilar Mateo

About Hataw Tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top